Chapter 11: Death

368 12 0
                                    


(Lorraine's POV)

"Mali ang nakita mo, Maurice."

Tumayo agad ako, saka ko itinulak si Ciara palayo sa akin. Tumawa lang nang mahina si Maurice, saka ito umiling-iling. "Really? You're expecting me to believe your excuses? Alam ko, matalino ka rin. Maghahanap ka na rin lang ng ipapalit sa akin, 'yung kamukha ko pa."

"H-hindi nga kasi, Maurice. Mali ang iniisip mo. Hinalikan lang ako ni Ciara, kaya hindi ako agad nakapalag."

Hinila ko agad si Ciara, saka kami sabay na lumabas sa elevator. Tumayo na ito, saka niya pinagpagan ang sarili niya. "Actually, she's making excuses lang. Ang sabi niya sa akin kanina, pwede ko daw siyang i-date tutal lagi ka namang wala saka para walang maghinala sa amin."

"Nakita mo na?!" galit na galit na tanong nito. "Magsama kayo ng babae mo!"

"Maurice, huwag kang maniwala sa kaniya. Sa akin ka dapat magkaroon ng tiwala, ako ang karelasyon mo sweetheart. Please, pakinggan mo muna ako."

Iniwasan na ako ni Maurice. Dali-dali itong tumakbo pababa sa hagdan doon, saka ko siya hinabol. Iniharap ko agad ito sa akin, at naiyak agad ako nang makita ko ang itsura niya. "Maurice, I'm sorry."

"Alam mo naman ang nangyari sa amin ni Xavier, 'di ba? Bakit inuulit mo pa? Bakit sinasaktan mo pa ako?"

"Hindi ko intensyon na saktan ka. Mahal na mahal kita, Maurice."

"Sinasabi mo lang ba 'yan dahil gusto mo na pagaanin ang loob ko? Kung sasaktan mo lang ulit ako gaya ng ginawa niya sa akin, pakawalan mo na lang ako."

"Ayaw ko. Maurice, magkaroon ka naman ng tiwala sa akin. Hinding-hindi ko magagawang magtaksil sa'yo, lalo na't sa ex ko pa."

"Ex?! Siya 'yung si Ciara?!"

"O-oo..." nahihiyang sagot ko dito. "H-hindi ko agad nasabi sa'yo dahil natatakot ako na---"

*PAK!*

Nagulat ako nang dumampi ang palad nito sa mukha ko. Kumuyom agad ang magkabilang kamao ni Maurice, saka ako nito tinitigan nang masama.

"Para saan 'yung sampal na 'yun?"

"Sinasabi mo na siya si 'Zia', pero siya pala 'yung ex mo na hindi ko pa nakikilala! Nagsisinungaling ka na agad sa akin!"

"Hindi ko lang nasabi agad Maurice dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Sasabihin ko rin naman sa'yo, sadyang naunahan lang ako ng takot ko."

"At saan ka natatakot?! Totoo nga, nagtataksil ka sa akin! Kung katrabaho mo siya, sana ako ang unang nakaalam! Sana ipinaalam mo sa akin para hindi tayo---"

Niyakap ko agad si Maurice, saka ko hinalikan ang labi nito. Naramdaman ko na pinagsususuntok nito ang likuran ko, hanggang sa unti-unti na siyang tumigil saka siya kumalas sa paghalik ko.

"Maurice, ayaw ko na magalit ka sa akin dahil sa simpleng bagay lang."

"Simpleng bagay?! Iniisip mo na maliit lang 'to para sa akin, ha?! Hindi mo ba naisip na nasasaktan rin ako?! May tiwala ako sa'yo, kaya hinayaan kita magtrabaho sa isang lugar na puno ng mga babae! Lagi mo akong ina-assure na ako lang ang mahal mo, kaya kampante ako! Bakit hindi mo sinasabi sa akin na nilalapitan ka pa ng ex mo?!"

"Ayaw ko ng gulo, sweetheart. Kaya ko namang kausapin si Ciara nang mag-isa, e."

"Kung hindi ka pa handang makipagrelasyon sa akin... itigil na lang natin ito."

"Ititigil?!" Tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. "Anim na buwan na tayo! Anong pipigilan ko?! Maurice, mahal kita! Sa paggising ko, ikaw ang laman ng isip at puso ko! Hanggang pagtulog, ikaw ang hinahanap ng sistema ko! Bakit ka mag-i-initiate ng hiwalayan?!"

Depending on Miss Librarian [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon