(Lorraine's POV)Nagpalakad-lakad muna ako sa buhanginan para makasagap ng sariwang hangin. Hindi ko rin alam, pero parang sobrang na-guilty talaga ako sa paninigaw ko kay Maurice. Ako na yata ang pinakamasamang babae sa mundo.
Pailing-iling ako habang naglalakad, kaya may nabangga ako doon.
"Naku naman sister, mag-ingat ka!"
Nang iangat ko ang ulo ko, biglang kumulo ang dugo ko. Nakita ko na naman 'yung Xander na 'yon, kaya hinawakan ko agad ang kwelyo ng polo nito saka ko siya hinila papunta sa akin.
"Gago ka. Anong intensiyon mo kay Maurice, ha?!"
"B-baliw ka ba Lorraine?!"
"Siraulo ka! Maghanap ka ng babae mo, at huwag na huwag mo nang lalapitan si Maurice! Akin siya, akin lang si Maurice---"
"Sino ba ang umaagaw sa jowa mo, ha?! Yuck! Bakit ako papatol sa kaniya?!"
Sasapakin ko sana ito, pero nanlaki ang mga mata ko nang tumili siya. Babaeng-babae ang tili nito, kaya napatingin lahat ng tao doon sa kaniya.
"Baliw ka! Why are you doing this to me, ha?! Parang wala tayong pinagsamahan!"
"Talagang wala, dahil hindi kita kilala!"
Bigla ko itong nabitawan, saka ako nasubsob sa braso ni Xander. Sumasakit na naman ang ulo ko, at may scenario na pumapasok doon.
•••
"So, anong gagawin mo ngayon na successful mo na siyang naagaw doon sa asawa niya?" tanong sa akin ng isang lalaki doon.
"As usual, ganu'n pa rin. Pero, mas ipapakita ko na mahal ko na siya. Ito ang inaantay ko, ang makasama siya. Tiniis ko na masaktan nang patago para lang sa kaniya."
"Mabuti naman, at may lakas ka na rin ng loob para umamin sa kaniya. Wait ka lang... makikita mo rin ang resulta no'n sister."
Napasandal ako sa kinauupuan ko, at ininom ko na ang milktea na hawak ko. Pinagmasdan ko ang kausap ko, pero wala talaga itong mukha at purong puti lang ang nakikita ko.
•••
"Hoy lukaret! Huwag mo akong daganan, baka kung ano ang isipin nila na ginagawa natin! Yucky!"
Bumangon na ako sa pagkakadagan kay Xander, saka ko hinawakan nang mahigpit ang kwelyo nito. Kahit nahihilo ako, tinitigan ko pa rin siya nang masama.
"Huwag na huwag mo nang lalapitan si Maurice, kung ayaw mong samain ka sa akin."
"Makinig ka nga. Hindi ko aagawin ang Maurice mo, okay?! Ayaw ko ng tahong! Yuck! Ang gusto ko... talong! Talong, okay?! Got it?!"
"B-bakla ka?!" gulat na tanong ko sa kaniya.
"H-hindi mo alam?! The fuck, higit isang taon tayong nagtaguan ng sikreto ng isa't-isa tapos hindi mo alam?!"
"Anong hindi alam?! Baka gumagawa ka lang ng excuse para makalusot sa akin! Bulok na 'yan, brad!"
"Sira ka! Umalis ka nga ditong babae ka! Alam ko lahat ng sikreto mo, 'no?! Marami kang naging girlfriend pagkatapos nu'ng hiwalayan ninyo ni Ciara, at kung anu-ano pa! Tapos lagi kang umiiyak kasi namatay ang mama ni Maurice! Pati ikaw, apektado doon! Ang gulo mo, ha?!"
"M-mama ni Maurice?!" naguguluhang tanong ko dito. "Anong alam mo sa amin, ha?! Umamin ka!"
"Umalis ka nga dito! Ang pangit nating tignan ngayon!"
"Subukan mo lang na tumakas sa akin, makakatanggap ka ng bugbog sa buong katawan mo!"
Tumayo na ako, saka ko pinagpagan ang sarili ko. Pumamewang si Xander, saka ako tinaasan nito ng kilay. "Okay, ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa inyo ni Maurice?"
BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
RomanceMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...