Chapter 22: They're Engaged!

380 7 3
                                    

(Lorraine's POV)

"Take this, motherfucker! Ito ang sa'yo!"

Nagulat kami nang makita namin na nagsasabunutan si Xandra at si Ciara sa labas ng bahay ko. Tumakbo agad ako papunta kay Xandra, saka ko hinila ito.

"Hoy huwag nga kayong mag-away sa tapat ng bahay ko! Naturingan kayong matatanda pero mga wala kayong disiplina!" saway ko sa kanila.

"TIKMAN MO ANG BANGIS KO! RAWR!" sigaw ni Xandra dito, sabay hatak nang malakas sa buhok ni Ciara.

"Bitawan mo nga akong bakla ka! Let go!" pagpupumiglas ni Ciara sa kaniya.

"K-Kuya? A-Ate?!" nagpapanic na pagtawag ni Maurice kay Xandra. "Kuya ba talaga kita?"

"Nandito na ang bangis ng isang Mondragon! Rawr!"

Hinila ko na nang malakas si Xandra, saka ko lang sila naawat. Gula-gulanit na ang damit ni Ciara nang matapos ang pagsasabunutan nila.

"Raine! Inaaway niya ako, oh. Tignan mo... sinira ng baklang 'yan 'yung clothes ko!" reklamo ni Ciara.

Nagulat ako nang yumakap ito sa akin. Hinawi ni Xandra ang buhok niya at tinaasan nito ng kilay si Ciara. Huminga ito nang malalim saka siya nagsalita, "Alam mo, hindi naman kita gagalawin kung wala kang katarantaduhan na ginagawa. Raine, nadinig namin ni Lawrence na pineperahan ka lang ng babaeng 'yan."

"No! It's not true kaya! Ikaw 'yung nagme-make accusations over there kaya!" depensa ni Ciara sa sarili niya.

"Hoy conyo, tigilan mo nga kami! Pati nga mismong kuya ni Lorraine nadinig ka. Simula't sapul, panira ka lang kay Maurice at Lorraine! Kung gagawin sigurong istorya 'to, maraming gugustuhing pumatay sa'yo!"

"I don't care! Saka bakit ba nagagalit ka sa akin? Sino ka ba?"

Tumagal pa ang pagbabangayan ni Ciara at Xandra na inabot ng halos sampung minuto. Inawat ko na sila saka ko sila sinigawan.

"TAMA NA!"

Sabay silang natahimik. Itinulak ko nang bahagya si Ciara, saka ko hinila si Xandra papasok sa bahay ko. Nakapasok na kaming apat sa loob ng bahay pero lumabas ulit ako para silipin si Ciara.

"Ciara, umuwi ka na nga. Ayaw ko nang makita na nagpapabalik-balik ka pa dito."

"W-Wala naman akong ginagawang masama sa'yo e. Naniniwala ka ba sa kanila?"

"Alam mo, pathological liar ang tawag sa'yo. Pati mismong kuya ko, bumaligtad na sa plano ninyo. Hindi na ulit kita papaniwalaan pa."

"At bakit? Sino ba ang papaniwalaan ninyo, si Maurice? 'Di hamak na mas matagal niyo akong nakilala kaysa sa babaeng 'yan."

"Kahit ilang taon pa ang lumipas, malaki ang tiwala ko na hindi tutulad si Maurice sa ugali mo. Ciara, learn to let go. Hindi ko na gusto pa ng ugnayan sa'yo, dahil matagal na tayong tapos."

"Fine. Pero tandaan mo 'to, hinding-hindi ko hahayaan na maging masaya kayo! Kung malungkot ako, dapat ganu'n rin kayo!"

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin ako kay Ciara. Umalis na ito sa tapat ng bahay ko, saka siya sumakay sa kotse niya. Tama nga si kuya, pera ang nagpapabago sa lahat ng tao. Hindi naman ganu'n si Ciara noong una ko siyang nakilala, dahil hindi ko naman ipinapaalam sa kaniya noon ang estado ko sa buhay. Sa paglipas ng mga panahon... unti-unti kong nasisilayan kung paano siya nagpalamon sa ambisyon at sa pagiging ganid niya.

"Oo nga sister! After nu'n, nilundag ko siya! Tapos naging Margaret Mondragon ako kanina habang sinasabunutan ko siya."

Pumasok na ako sa bahay saka ako umupo sa tabi ni Maurice. Hinawakan ko ang kaliwang kamay nito habang nakikinig kami kay Xandra at Kuya Lawrence.

Depending on Miss Librarian [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon