Chapter 9: Xavier's Wrath

571 20 0
                                    


(Lorraine's POV)

Nang makuha ko ang mga libro na kailangan ni Maurice, nilagay ko na 'yun sa tote bag niya. Mahaba ang listahan na ibinigay nito sa akin, kaya medyo inis na ako dahil marami pa akong libro na kulang.

"Ganito ba talaga kapag teacher ang girlfriend?" iritang tanong ko. Halos magkandaduling na ako dahil pari-pareho ang mga libro sa isang stante doon, pero may 'specific' na librong kailangan si Maurice. "Ang sakit naman sa ulo, tatlu-tatlo na ang nakikita ko sa dami ng kailangan nu'ng babaeng 'yon."

Nang makumpleto ko ang mga libro na kailangan ni Maurice, lumabas na ako sa library. Nagulat ako nang may yumakap sa akin, kaya natawa ako nang palihim. Sinilip agad ni Maurice ang mukha ko, kaya sumimangot ako dito.

"Umalis ka nga diyan, galit ako sa'yo." may halong tampo sa boses na nabulalas ko dito.

"Bakit naman? Ikaw ang nangulit na mangunguha ng mga librong kailangan ko, tapos bigla kang magagalit diyan? Huwag ka nang magbo-volunteer kung duwag ka rin lang na aatras."

"Kumpleto na po ang libro ninyo, ma'am. Huwag na po kayong magalit sa akin."

Inabot ko na kay Maurice ang bag nito. Binuksan niya 'yun, at tinitigan niya ang mga libro na nandoon. Habang iniisa-isa niya ang mga 'yun, may bahid ng paghihinala itong nakatingin sa akin.

"Araling Panlipunan, tama..."

"Tama lahat ng 'yan! Kabisado ko na 'yung buong library, e! Wala ka bang tiwala sa akin?"

"May sinabi ba akong wala? Masama ba na mag-double check ako sa mga bagay-bagay? Wala na ba akong freedom?"

"Sweetheart naman, walang masama doon. Ang cute mo nga habang nagbibilang ng libro, e. Saan mo gusto ngayon, Maurice?"

"Wala akong specific na lugar na gustong puntahan. Ikaw ba, saan mo ako dadalhin ngayon?"

"Doon na lang tayo sa bahay mo? Gusto ko namang mapuntahan ang bahay ng sweetheart ko."

"Sige, tara na."

Kinuha ko na ulit ang bag ni Maurice, at isinukbit ko 'yun sa balikat ko. Sunod ko namang hinawakan ang kamay nito, saka ko siya dinala sa lugar na kung saan nakaparada ang bagong kotse ko.

"Nasaan ang motor mo? Hindi ko makita, Lorraine..."

"Surprise! Ang ganda ng kotse ko, 'no? Alam ko na mahilig ka sa pink kaya pink na kotse ang kinuha ko para sa atin. Anong masasabi mo?"

"Naku, saan naman napunta 'yung motor mo? 'Yun ang gusto kong sakyan, sweetheart."

"Naku, Mau. Kotse na ang binili ko para sa atin, dahil ayaw ko nang mapahamak ka pa. Kapag nasa motor tayo, may risk na tumilapon tayong dalawa doon."

"Nanggaling ka lang ng ibang bansa, ganiyan ka na. Nasanay akong nakasakay sa motor mo, e."

"May company car naman kasi ako doon. Saka mayroon na akong driver's license, oh! Sayang naman..."

"Sige na nga. Parang may choice naman ako."

Pinagbuksan ko na si Maurice ng pintuan ng kotse ko. Sumakay na ito doon, saka ako excited na excited na pumuwesto sa driver's seat. Sinimulan ko na agad ang pagmamaneho, at sinundan ko ang alam kong daan papunta sa panibagong bahay ni Maurice.

"Naiinitan ka ba, Mau? Inaantok ka ba?" nag-aalalang tanong ko dito.

Huli na nang makita ko na nakatulog na si Maurice. Nakasandal ito doon, at humihilik na siya nang mahina. Itinutok ko na muna dito ang aircon ng kotse ko, saka ko kinuha ang jacket ko na nakalagay sa likuran namin. Nagsilbi 'yung kumot ni Maurice, at napangiti ako nang pagmasdan ko siya habang gamit nito ang coat ko.

Depending on Miss Librarian [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon