Chapter 5: Confession

507 21 0
                                    


(Maurice's POV)

"Sige, salamat. Be careful kapag umalis ka," nakangiting wika ko kay Lorraine nang makababa ako sa motor nito. Papasok na ako nang bigla nitong hawakan ang kaliwang kamay ko. "Bakit? May nalimutan ba ako, Lorraine?"

"Umm... gusto mo ba na samahan kita sa loob? Balak ko munang isara 'yung library, tinatamad kasi ako."

"Tinatamad ka, ha?" natatawang tanong ko dito. "Trabaho mo 'yan, tapos tatamarin ka? Bumalik ka na doon. Huwag mo na akong sunduin, ha? Marami pa kasi akong dadaanan."

"Ayaw ko naman na isang beses lang kitang makikita. Tara na, pumasok na tayo sa loob para makasama pa kita."

"Let's see kung papapasukin ka ng guard diyan. Kapag nakalusot ka nang walang ID, sige."

"Areglado! 'Yun lang pala, e! Napakasimple..."

Napataas lang ang kilay ko dito. Pumwesto na ako sa gate dahil mahaba-haba pa ang pila doon, pero nagulat ako nang buhatin ako ni Lorraine.

"H-hoy! Ibaba mo nga ako!"

"Alam mo, hindi na natin kailangang pumila diyan. Ayaw kong nahihirapan ang angel ko."

"Makikita 'yung nasa loob ng skirt ko! Ayusin mo nga ang sarili mo..."

Tumawa lang ito sa akin. Inayos ni Lorraine ang pagkakabuhat niya sa akin, saka ito nagsalita. "Excuse me po, dadaan kami ng angel ko. Excuse me..."

Nagulat ako dahil tinitigan nito nang matalim ang guard. Bigla nitong binuksan ang harang nila doon,  kaya nakapasok agad kami ni Lorraine. Napanganga na lang ako, at nakita ko ang ngisi na gumuhit sa labi nito.

"W-wow. Ang galing, paano nangyari 'yun?!"

"Siyempre, angel ko. Kayang-kaya ko yata lahat ng bagay. Ngayon... pwede na ba kitang samahan habang nagtuturo ka?"

"Baka magalit sa akin ang principal... bawal ang binabalak mo. Saka baguhan lang ako dito, at baka bigla akong masisante niyan."

"Natatakot ka sa principal ninyo?"

Ibinaba na ako ni Lorraine. Pinagpagan ko ang sarili ko, saka ako tumangu-tango dito. "Tignan mo, hindi ka makakapasok sa classroom. Baka magalit si Ma'am Bethany sa akin. O kaya, magpaalam ka. Tignan natin kung 'di ka makatanggap ng sigaw mula sa kaniya."

Sakto naman na parating na si Ma'am Bethany sa direksyon namin, kaya napayuko ako. Nilapitan ako nito, saka ako bumati sa kaniya. "Good afternoon po, ma'am."

"Good afternoon rin, Maurice."

"Hi ma'am, what's up?!" nakangiting bati dito ni Lorraine. Pinandilatan ko siya, pero napansin ko na natawa rin ang principal namin sa inasal nito. Nag-apir pa sila sa harap ko, kaya medyo napangiti ako. "Ma'am, totoo po ba na nagagalit kayo kapag sinasamahan 'yung teacher sa classroom niya?"

"Who told you that? Ang bawal lang, noong recent months. Ngayon na malapit na ang sembreak... pwede naman. Konti na lang ang students sa classroom, e. Saka ano ba ang balak mo?"

"Wala po ma'am, papanoorin ko lang na magturo ang kaibigan ko. Saka alam mo ma'am, may nagsabi na naninigaw ka daw!"

"ABA?!" pasigaw na tanong nito. "Sino 'yun?!"

"Sabi ni Mau---"

Bigla kong tinakpan ang bibig ni Lorraine. Nahihiya akong tumingin sa principal namin, saka ako tumawa. "Haha, wala po 'yun ma'am! Pabayaan niyo na po. Sige na po, papasok na ako sa classroom ko. It's nice talking to you po!"

Tumakbo agad ako, saka ko binitawan ang bibig ni Lorraine. Tinitigan ko siya nang masama, pero tumawa lang ito. "What? Bakit ka ba nagagalit? 'Yun ang sinabi mo sa akin, malamang na 'yun rin ang itatanong ko sa kaniya! Come on!"

Depending on Miss Librarian [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon