Chapter 4: Friends

482 22 0
                                    


(Maurice's POV)

"Ma? Andito na ako..."

Pumasok na ako sa kwarto nito, at napangiti ako nang makita ko ang mama ko. Nakahiga lang siya doon, at narinig ko na humihikbi ito.

"Ma? Okay ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ko dito.

Pag-upo ko sa harapan nito, nakita ko na mugto na ang mga mata ng mama ko sa luha. Hindi ko na rin maiwasan na maiyak sa itsura nito. Niyakap ko agad ito nang mahigpit na mahigpit, at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

"Bakit mo ako dinalaw, ha? May pasok ka anak..."

"Ma, importante ka. Isang linggo na kitang hindi nakikita..."

"Marami akong bantay dito. Pati ang papa mo, lagi niya akong dinadalaw dito."

"Mama, bakit ba gusto mo akong paalisin lagi? Wala pa akong isang minuto dito, parang ayaw mo na agad akong makita."

"Para kapag namatay ako, hindi ka na masasaktan."

Biglang nagtuluan ang luha sa mga mata ko. "Mama, huwag ka nga pong magbiro nang ganiyan. Mabubuhay ka pa, 'no! Marami tayong solusyon sa sakit mo. Huwag ka ngang panghinaan ng loob..."

"Alam mo, kasalanan ko 'to e. Sana, hindi ako naninigarilyo. Sana, hindi ako tinamaan ng lung cancer na 'yan."

"Okay na 'yun ma, at least alam mo na ngayon na hindi mo na dapat ulitin 'yun. Kapag gumaling ka, magiging okay na ang lahat. Bumalik ka na sa bahay, ah? Huwag ka nang magtampo kay papa..."

"Hindi na. Lagi siyang andito para alagaan ako, e. Kamusta pala kayo ng asawa mo sa bahay ninyo? Masaya naman ba ang buhay ninyo?"

"Opo mama!" nakangiting wika ko dito. "Ang bait ni Xavier, super! Tapos ang loyal niya pa mama! Alam mo... mahal n-na mahal niya ako."

"Anak, 'yung mga apo ko ha?" nakangiting tanong nito sa akin. Nanggigilid na rin ang luha sa mga mata nito, at nakita ko ang kunwaring pag-ubo niya para mapunasan ang lahat ng 'yon. "Ang tagal naman nila, tatlong taon ko na silang inaantay..."

"Coming na sila, ma! Antayin mo lang sila. Basta... gusto ko na makita mo silang lahat. 46 ka pa lang, at pwede mo pa silang masilayan hanggang sa tumungtong sila ng college!"

"Ikaw talaga anak..."

"Oo nga, mama! Araw-araw namin silang ginagawa ni Xavier. Kaso, mukhang matatagalan pa. Kaya mo namang antayin mama, 'di ba?"

"Kung mamamatay man ako---"

"Hindi nga mangyayari 'yon! Gagaling ka pa, mama! Mahal ka namin, kaya dapat isaalang-alang mo lagi 'yun. Isipin mo na minamahal kita at ni papa, kaya kailangan mo pang lumaban."

"Sasabihin ko na 'to, baka kasi ngayon o baka sa nalalapit na mga araw... hindi mo na ito maririnig mula sa akin."

"Andiyan na naman tayo, e! Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan mama..."

"Tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita. Kapag ako napunta sa langit, araw-araw kitang babantayan doon. Mahal na mahal ka ni mama mo, okay?"

"Huwag ka ngang ganiyan mama. Naiiyak na ako..."

"Kasi 'yun rin naman ang totoo. Mamamatay rin ako, sooner or later. Hinahanda na kita para hindi ka na masaktan."

"Alam mo mama, ikaw ang pinaka-negative sa lahat ng nakilala ko! Nagiging okay na nga ang kondisyon mo, e!"

"Paano kung hindi? Anong gagawin mo?"

"Ayaw ko nang pag-isipan 'yun. May kaibigan ako na nagsabi sa akin na isipin ko lang kung ano ang nangyayari ngayon, para hindi ako magsisi sa hinaharap sa mga masasayang ko na oras."

Depending on Miss Librarian [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon