(Maurice's POV)*Click*
Inikot ni Lorraine ang doorknob ng lumang bahay namin, saka kami sinalubong ng bahay namin na pwede nang gamiting set sa horror movie. Nauna na itong pumasok doon, at nag-alala ako nang umubo siya nang malakas.
"Naku, ang alikabok dito!"
"Siyempre uninhabited 'to e. Ano ba ang ine-expect mo?"
"Ako na lang ang maglilinis dito, tapos diyan ka na lang sa sofa."
"Huwag na. Magtulungan na lang tayong dalawa dito. Hindi tayo matatapos agad kapag nagpatagal pa tayo."
Kinuha ko na ang timba sa harapan ko at nilagyan ko 'yun ng tubig. Sunod naman akong kumuha ng bimpo saka ko isinawsaw 'yun sa timba.
"Ako na sa alikabok tapos magwalis ka na lang," diretsong utos ko dito.
Ginawa na ni Lorraine ang iniutos ko sa kaniya habang ako naman ang abala sa dingding. Pinupunasan ko 'yun pati na ang taas ng mga cabinet habang nagsasalansan naman si Lorraine ng mga kahon at paminsan-minsan tumutulong rin ito sa akin pero iniiwas ko lang dito ang basahan na hawak ko dahil alam ko na sensitive si Lorraine sa alikabok.
Pagkatapos ng halos dalawang oras na paglilinis namin sa unang palapag ng bahay, nagpahinga na kami sa sofa. Nakahiga lang ako doon habang nakaupo naman si Lorraine. Nakapatong ang ulo ko sa hita niya, at nagpapahinga ako doon.
"Naku, unang palapag pa lang ang nalilinis nating dalawa. Pagod na agad ako," reklamo ko dito. Tinitigan ni Lorraine ang mukha ko, saka niya hinaplus-haplos ang pisngi ko kaya medyo namula ako sa ginawa nito. "Humawak ka ng basahan tapos hinahawak-hawakan mo ngayon 'yung mukha ko."
"Mau, naghugas ng ako ng kamay. Pasalamat ka nga tinulungan pa kita, e."
"Wow, ikaw ang dapat na magpasalamat dahil sinamahan kita dito. Kinilig lang 'yung boss ko sa ginawa mo kanina kaya pumayag siya na mahiram mo ako. Tambak na ako ng mga gawain nang dahil sa pagsama ko dito."
"Under ng kompanya ng papa ko 'yung pinagtatrabauhan mo. Gusto mo ba na ma-promote ka agad doon?"
"Baliw ka," natatawang hirit ko dito. "Ang dami naman yatang business ng papa mo at parang 'di na ako naniniwala. Napakayaman niyo naman."
"Kaunti nga lang ang business ni papa," malungkot na turan nito sa akin. Saglit itong tumingala para mag-isip, saka ako ulit binalingan ni Lorraine ng tingin. "Mayroon si papa na business sa alcoholic beverages, office supplies, resorts, saka shareholder ang papa ko."
"Talaga, feeling mo pa kaunti 'yon?"
"Oo naman."
"Hindi kaya! Alam mo, humble bragging ang tawag diyan. Ang papa ko nga kaunti lang talaga ang business e. Pero para sa akin, worth it na 'yon."
"Mukhang maganda kapag naging magkapartner ang mga papa natin sa business. Sa tingin mo?"
Lalo akong sumandal kay Raine, saka ko kinuha ang kaliwang kamay nito. "Puwede naman. Saka bakit ba sila ang topic natin dito? Ikaw ang dapat kong tanungin. Ano naman ang kinain mo at bigla mo akong naalala? Siguro, nauntog ka sa kanto ng mesa 'no? O kaya, baka nasagasaan ka."
"Hindi. Sa tingin ko... dahil napanaginipan kita. Bumalik lahat, mula sa umpisa. Kung paano ko unang nakita ang mukha mo, hanggang sa napagtanto ko na walang makapagsasabi sa akin kung dapat ba kitang mahalin o hindi."
"Talaga ba?" natatawang tanong ko dito. Tumangu-tango sa akin si Lorraine, saka ito dumaplis ng napakatamis na halik sa labi ko. "Baka binabalikan mo lang ako dahil nagi-guilty ka rin lang."
BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
RomanceMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...