(Lorraine's POV)Pinagmamasdan ko lang si Maurice habang nagtuturo ito sa huli niyang klase. Ito na rin ang huling araw na makakasama ko siya, dahil maaga ang flight ko bukas at hindi ko na binanggit kay Maurice ang oras dahil ayaw ko nang habulin niya pa ako.
"That's it everyone, thank you. See you next week," nakangiting bati ni Maurice sa kanila. "Magpasa kayo ng assignments, okay? Salamat."
Paglabas ni Maurice, hinawakan ko agad ang bag nito. Ready na sana ito para sapakin ako, pero nasalo ko ang kamao niya. "Chill, ako 'to!"
"Akala ko, magnanakaw e. Ano ba ang sadya mo at andito ka?"
"Actually, gusto ko sanang magsabi ng good bye sa'yo. Bukas na ako aalis, 'di ba? Saka gusto kong masigurado na okay ka. Masasaktan ako kapag nalaman ko na hindi ka okay."
"So far... bumubuti na ang kalagayan ko. Salamat sa'yo, ha? At doon sa doktora na kinuha mo para sa akin. Appreciated ko 'yun. Gusto mo ba na kumain muna tayo? Hindi ako busy ngayong araw."
"Ano naman ang kakainin natin ngayon? Libre ko na, tutal aalis na ako bukas."
"Ako na ang bahala. Sige na, maglakad na tayo. Magta-timeout pa ako mamaya sa office."
Kinuha ko na ang bag ni Maurice, saka ko ito inalalayan habang naglalakad kami. Nakatago lang ang mukha nito sa makapal na libro na hawak niya, at nakita ko na medyo namumula-mula siya.
"Bakit ka namumula, Maurice? Anong meron?"
"Actually, masaya ako dahil isinuot mo 'yung hikaw na ibinigay ko sa'yo. Nagpabutas ka pa talaga ng tenga para lang malagyan niyan?"
Napahawak ako sa tenga ko. Medyo kumirot pa 'yun, dahil ito ang first time na nagpalagay ako ng hikaw. "Actually, oo. Buti nga at mabilis lang 'yung paglalagay sa tenga ko. Alam mo naman na may takot ako sa karayom kaya hindi ko gusto 'yung nagsusuot ng hikaw."
"Kung hindi mo gusto, bakit ginamit mo pa rin? Bakit nagpalagay ka pa rin ng hikaw kahit labag 'yun sa kagustuhan mo?"
"Para sa'yo, e. Maurice kapag nakauwi ako... dadalhan kita ng maraming pasalubong. Pangako 'yan, tutal maraming mabibilhan sa United States. Ano ba ang gusto mong pasalubong mula sa akin?"
"Actually, wala naman. Bahala ka na, ma-a-appreciate ko naman lahat ng dadalhin mo sa akin."
Habang naglalakad kami, bigla kong nakita ang kababata ko. Kinawayan ko ito, at ngumiti naman ito pabalik sa akin. Nilingon ko si Maurice at nakita ko na nakataas ang kilay nito. "M-maurice... bakit?"
"Sino 'yun? At bakit ka naman kumakaway sa kaniya? Ex mo?"
"Isa lang naman ang ex ko, ha? Si Ciara lang. Si Mabel 'yun, 'yung kababata ko."
"Kababata. Sus, baka nakaharutan mo rin 'yon dati."
"RAINEEEE!"
Napalingon ako sa likuran ko. Nasundan pala ako ni Mabel, at nakahawak na ito sa braso ko. Yumakap ito sa akin, kaya napayakap rin ako sa kaniya.
"I miss you..."
"Na-miss rin kita, Mabel! Kamusta ka na? Ano ang pinagkakaabalahan mo?"
Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti nang matamis si Mabel, saka ito nagsimula sa pagku-kuwento, "Actually, okay naman ako. Nagta-trabaho na ako overseas, at nakakuha ako ng magandang trabaho sa Qatar. Ikaw naman?"
"As usual, okay rin naman. Palipad na rin ako abroad bukas. Ang papa ko, siya ang nangulit sa akin para magtrabaho."
"Oh, akala ko sa Qatar rin. Doon ka na lang, para magkasama tayo. We can talk about the good old days there."

BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
RomanceMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...