(Maurice's POV)"Raine..." mahinang reklamo ko dito habang nagpapatuloy kami sa pag-angkin sa labi ng isa't-isa.
Mabilis itong kumalas sa akin, at bigla niya akong itinulak. Napaupo ako sa kalsada doon, saka ako napahawak sa balakang ko. Muling hinawakan ni Lorraine ang magkabilang mga kamay ko, saka niya ako tinulungan sa pagtayo.
"Hoy! Ang kapal talaga ng mukha mo Lorraine! Pagkatapos mo akong halikan, itutulak mo lang ako na parang basura! Ang kapal mo talaga!"
"H-hindi ko sinasadya. Tara sa loob, bumili tayo ng isusuot mo doon. Palitan natin 'yan."
"At pinagmumukha mo talaga akong pera?! May pambili ako ng damit, 'no! Kahit bilhin ko pa ang buong tiyangge dito!"
"Maurice, kumalma ka nga. Bakit ba galit na galit ka sa akin? Bakit ba sumisiklab ang galit mo kapag nakikita mo ang pagmumukha ko? Ano ba ang ginawa kong masama, ha?"
"Hindi mo alam, ha?! Hindi mo alam?!"
Muli kong inambangan ng sampal si Lorraine. Inangat ko ang kamay ko sa ere, pero sinalo niya lang 'yun saka niya hinawakan nang mahigpit ang braso ko.
"Tama na, Maurice. Naka-ilan ka na. Ang sakit na ng pisngi ko sa mga natatanggap ko na sampal mula sa'yo."
"Heh, dapat lang! Ang kapal naman ng mukha mo para takasan ako! Matapos ang lahat ng pinagsamahan natin, lahat ng mga ginawa natin, at lahat ng mga pangarap na ginusto nating tuparin!"
"I'm sorry, okay? Hindi ko alam ang mga sinasabi mo pero nasisiguro ko na galit ka talaga sa akin. I'm sorry, Maurice."
"Humingi ka talaga ng tawad! Ang kapal mo. Naiinis ako sa'yo, kaya tantanan mo na ako! Ayaw ko nang makita ang mukha mo sa resort na 'to!"
"As if naman na hindi mo talaga ako makikita. Miss Maurice, na naka-check in sa West Side 23."
"May balak ka ba na pasukin ang kwarto ko habang tulog ako, ha?!"
"Baka naaalala mo, ikaw ang naghubad sa harapan ko. Bilang mabait at marespetong tao, tinakpan ko ang katawan mo. Halos ibugaw mo na nga ang sarili mo sa akin noong nakaraang gabi---"
Muli kong inangat ang kamay ko para sampalin ito, pero sinalo lang 'yun ni Lorraine. Niyakap ako nito, saka niya ako isinandal sa pader doon. Nagpupumiglas ako, pero sadyang mas malakas ito sa akin.
"Bitawan mo ako, kung hindi isisigaw ko na ginagahasa mo ako Lorraine!"
"Paano mo naman nalaman na Lorraine ang pangalan ko? Siguro, may crush ka sa akin 'no? Ikaw, ha?" pang-aasar nito.
"Kadiri ka! Anong crush?! Ikaw ang may asawa sa ating dalawa, tapos sinasamantala mo ang kahinaan ko. Porke't may nararamdaman pa ako para sa'yo---"
"Anong nararamdaman mo, Maurice?"
"M-may sinabi ba akong ganu'n?! Baliw ka na ba, ha?!"
Lalo nitong inilapit ang mukha niya sa akin. Ngumisi si Lorraine, saka niya pinagdikit ang mga dulo ng ilong namin.
"Maurice, sino ka ba sa buhay ko?"
"Ang kapal talaga ng mukha mo--- ahm!"
Muli nitong inangkin ang labi ko. Kinagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi ko, kaya bumuka 'yon nang kusa. Bigla niyang ipinasok ang dila niya sa bibig ko, saka ako nakipaglaban dito ng French kiss. Lalong humigpit ang pagkakayapos ko sa kaniya, saka ako umungol sa pagitan ng ginagawa namin.
"U-umm..."
Humiwalay na ang mukha nito sa akin. Kinuha ni Lorraine ang kaliwang kamay ko, at pinaulanan niya 'yun ng maiinit na mga halik. Sunod naman itong ngumiti nang matamis, saka ito nagpakilala, "Lorraine Villanueva, miss."
BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
RomanceMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...