Chapter 6: Decision

450 19 2
                                    


(Maurice's POV)

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko nang makaalis si Lorraine. Parang nanghina ang mga tuhod ko, at nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib.

"Raine! I'm sorry!" sigaw ko dito.

Tumakbo agad ako papunta sa kalsada, pero nakalayo na sa akin si Lorraine. Napahawak ako sa labi ko, pero nahinto rin 'yun nang makaramdam ako ng mahigpit na paghawak sa braso ko.

"Andito ka lang pala. Saan ka ba papunta? Bakit andito ka sa labas?"

"Xavier, pwede ba kitang makausap nang maayos?"

"Ano naman ang pag-uusapan natin? Hinahanap tayo ni papa, dalian mo. Tara dito."

Hinawakan nito ang kamay ko, saka niya ako hinila papasok sa bahay nila. Inakbayan pa ako nito, saka kami nagpatuloy sa sala.

"Maurice, ayusin mo ang mukha mo. Parang hindi ka maipinta diyan."

"Ay, oo..."

"Ayusin mo nga ang sarili mo, mukha kang tanga. Namumula pa ang mukha mo. Ano ba ang idinadrama-drama mo diyan?"

"Wala naman..."

Umupo na kami ni Xavier sa sofa nila. Magka-holding hands lang kami nito,  habang sweet na sweet itong nakasandal sa akin.

Habang nag-uusap silang lahat, malalim akong nag-iisip. Napadako ang mga mata ko sa mga kapatid ni Xavier. Ang karamihan sa kanila, may mga asawa at may mga anak pa ang iba. Makikita talaga sa mga mata nila na mahal nila ang isa't-isa, nang walang pagkukunwari.

Masaya ako. Oo, ngayon. Pero totoo nga ba na masaya ako kay Xavier? Mahal ko pa nga ba siya? May 'love' pa ba ako para sa kaniya?

"Xavier," pagtawag ko dito. Lumingon sa akin si Xavier, saka ko ito biglang hinalikan. Ipinikit ko ang mga mata ko, at inantay ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na kagaya ng naramdaman ko nang mahalikan ko kanina si Raine. Tatlong segundo na, pero wala pa rin. Kumalas na ako dito, saka ako tumawa nang mahina. "Sorry, medyo nadala lang ako."

"Okay ka lang ba? Ano na naman ba ang problema mo, Maurice?"

"Tignan ninyo itong si Xavier at Maurice, ang sweet nila. Akala ko noon, hindi nila magugustuhan ang isa't-isa. Tignan ninyo... perpekto ang married life nila," sabi ng papa nito, kaya napatingin sa amin ang mga guest doon. Ngumiti lang ako sa kanila, at nadama ko na niyakap ako ni Xavier. "Kita ninyo, ang sweet talaga nila! Kailan ang mga apo ko?"

Nagkatitigan kami ni Xavier. Kumamot lang ito sa braso niya, at huminga ito nang malalim. "Pa, hindi ko pa po sure kung kailan. Nakikita niyo naman na ngayon lang nagkaroon ng trabaho si Maurice, at ayaw ko agad na masira 'yun. Naiintindihan niyo naman po ang sitwasyon namin, 'di ba?"

"Of course. Sige, take your time."

Nang matapos ang party, isa-isa na kaming umalis. Sumakay na ako sa kotse ni Xavier, at ito na ang nagmaneho papunta sa bahay namin.

"Xavier, gusto ko sanang pag-usapan natin ang tungkol dito."

"Ang alin, Mau?"

"Hindi na kasi ako masaya sa relasyon natin."

"At?"

"Gusto ko sana na palayain mo na lang ako---"

*SCREEETCH!*

Biglang huminto ang kotse ni Xavier. Tinitigan ako nito nang matalim, saka siya tumawa. "Akala ko ba, mahal mo ako? Anong biro 'yan, Maurice? Nahihibang ka na ba? Anong drama 'yan? Gusto mo lang ba na may mangyari sa atin? Sige, game ako diyan."

Depending on Miss Librarian [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon