Isang buwan na ang dumaan mula ng maging sila walang araw na hindi sila masaya sa isa't-isa kuntento na si Drexel sa piling ni Laura nakalimutan na rin niyang may magulang na naghihintay sa kanya. Ang nasa isip niya palagi ay si Laura ang masasayang araw nila madalas rin silang lumalabas at namamasyal kagaya ngayon they were celebrating their first month relationship napagpasyahan nilang doon iyon gaganapin kung saan siya sinagot ni Laura. Sarili parin sa isip ni Drexel ang kaganapang iyon na para bang kahapon lang naganap.
Ngayon naghahanda na sila sa dadalhin nilang mga gamit sa nagdaang araw ay nasanay narin si Drexel na katabing matulog si Laura hindi kagaya ng una ay kinakaban siya.
"Mag-iingat kayo doon Drexel ang anak namin ingatan mo." habilin ng ina ni Laura parang iiyak narin ito para bang sobrang layo ng pupuntahan nila at matatagalan pa bago maka-uwi.
"Syempre naman po tita iingatan kopo itong mapapangasawa ko." turan ni Drexel sanay na ang mag-asawa sa mahangin na pag-uugali ni Drexel minsan ay isip bata parang babae na paiba-iba ang ugali.
"Mabuti kung ganun dahil ipapahabol ulit kita sa mga aso diyan sa labas." kaagad namutla si Drexel at mabilis na tumango naikwento kasi ni Adam ang pinaggagawa niya habang niligawan si Laura lahat-lahat alam nila kaya nga madalas siya ng mga ito na tinatakot hindi lang sa multo siya natakot ngayon pati narin sa aso at bubuyog syempre kabilang na diyan ang iwan siya ni Laura na hindi niya hahayaang mangyari.
"Papa Drexel" kaagad sumimangot ang mukha ni Drexel sa matinis na boses ni Mak-mak hindi na siya galit dito pero naiinis parin siya dahil panay papa ang tawag nito sa kanya at palaging nagpapacute. Natawa naman si Laura sa mukha ni Drexel hindi talaga nito matanggap ang tawag ng kaibigan niya kay Drexel.
"Naku Mak-mak iniinis mo naman yan." turan niya sa kaibigan na kararating lang.
"Bakit hindi mo kese ake pepensenen papa." maarteng anito. Hindi mapigilan ng iba ang matawa mula ng makasama nila ito ni Laura na lumabas ay panay na ang pang-iinis nito sa kanya.
"Manahimik ka diyan panot." ito parin ang tawag niya dito maarte naman nitong tinakpan ang napanot nitong buhok.
"Pepe nemen, e." kaagad hinila ni Drexel si Laura hindi niya talaga matatagalan ang presensya nito kahit malayo pa ito ay naiinis na siya.
"Ingat kayo doon." sigaw ni Adam kumaway rin ang mga magulang ni Laura hindi rin nagpapahuli ang kaibigan niya. "Ingat kayo papa ingatan mo si mama."
"Tsk!" tanging sambit niya.
"Hindi ka pa ba sanay sa tawag niya sayo." matatawang wika ni Laura nakasakay na sila ngayon sa Kalesa.
"Dapat anak lang natin ang tumawag sa akin na ganun."
"Ayaw mo niyan pwede mo siyang pag-ensayohan kung papano maging ama." paliwanag ni Laura kay Drexel na mas lalong napanguso sa kanya.
"Hindi naman siya bata Honey, e." he grumbled tanggap niya sana kung bata ito pero kung si Mak-mak lang din, never.
"Biro lang honey nakanguso kana naman diyan."
"Gusto ko ng kiss." ipinikit nito ang mata at lumapit kay Laura habang nakanguso parin sa halip na sa labi ni Laura iyon tumama ay hinarang ni Laura ang kamay niya kaya doon nakahalik si Drexel.
"Honey naman." pagmamaktol nito tinawanan lang siya ni Laura at naunang bumaba. "Bumaba kana diyan kundi iiwan kita." pagbabanta niya kaya mabilis namang bumaba SI Drexel at humawak sa kamay niya. Iyon ang napapansin ni Laura kay Drexel gusto nitong palaging magkahawak ang kamay nila at niyayakap rin siya at palagi rin ito panay halik na nakasanayan narin niya. Sa pagsasama nila ay mas lalo pa nilang minahal ang isa't-isa sa murang edad ni Laura alam niyang si Drexel na talaga ang para sa kanya.
"Honey my love so not sweet." pakanta-kanta ni Drexel.
"Manahimik ka diyan." Sita ni Laura sa kanya.
"Kiss mona kasi ako." he begged kay Laura lang siya nagmamakaawa lalo na sa halik nito minsan lang kasi ito unang humalik sa kanya.
"Bahala ka diyan Drexel." nauna itong lumakad hanggang nakarating sila ay nakanguso parin si Drexel panay sambit niya ng 'Kiss lang naman, e'
"Matuluyan sana yang nguso mo." wika ni Laura at ito pa talaga ang nag-ayos ng mga gamit nila. Gaya ng dati hapon narin sila nakarating sa tuktok. "Itayo mona yan." itinuro niya ang tent kay Drexel hindi naman ito umangal at itinayo na.
"Honey pansinin mona ako." ngunit hindi siya pinansin ni Laura. Hindi na nga napigilan ni Laura ang tuluyang matawa sa mukha ng nobyo niya.
"Para kang tanga." sabi niya dito.
"Masaya kana niyan?"sarkistong tanong niya. Kaagad lumapit si Laura sa kanya at niyakap siya.
"Sorry na honey. I love you and happy 1st Monthsary." she kiss Drexel cheek.
"Sa pisnge lang?" reklamo niya.
"Oo may bayad a—"
"Magkano?"
"Tsk! Sige na nga." she kiss Drexel smack lang sana iyon pero kinabig siya no Drexel at pinalalim ang halik.
"Happy 1st Monthsary honey... " Drexel said. "and I love you so much." he said popping the last word.
Nilabas ni Drexel ang mamahalin niyang cellphone na matagal na niyang hindi nagamit dinala niya ito dahil nais niyang kumuha ng larawan kasama si Laura.
"Ang ganda." hindi mapigilan ni Laura ang mamangha may ganun din ang magulang niya pero siya wala at wala rin siyang interes sa bagay na ito mahahawakan niya lang ito sa tuwing gusto siyang kausapin ng kuya niya.
"Honey smile." Laura smiled at the camera ganun then si Drexel. "Peace sign." Drexel said at ginaya naman ni Laura tuwang-tuwa si Laura sa bawat larawan nila. "Last smile, honey!" mabilis na pinaharap niya si Laura at hinalikan ang noo nito. Drexel set the last picture of them as hes phone lockscreen habang mukha naman ni Laura ang home screen niya.
"Kain muna tayo." pagyaya ni Laura masaya silang dalawa habang kumakain walang puwang sa puso nila ang kalungkutan dahil sa oras na iyon puno ng mga tawanan at kulitan nilang dalawa. Hanggang sa napagpasyahan nilang matulog na dahil malalim na ang gabi.
Gaya ng una tabi silang matulog hihiga na sana si Drexel ng tumunog ang cellphone niya hindi niya akalaing nakasagap siya ng signal dito. Ngunit sa halip na maging masaya ay pinanlamigan siya walang ibang tumawag kundi ang ina niya.
Nanginginig niya iyong sinagot hindi niya alam kung bakit kinabahang siya ngunit tama nga ang hinala niya dahil hindi man lang ito nangamusta sa kanya ay kaagad nitong binitawan ang balitang nagpaguho sa masayang araw nilang dalawa niya ngayon.
"You need to go home, NOW. We have important to discuss on you."
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Finally Found My Binibini✔️
RomanceDrexel is one of the person who doesn't believe in love. He never been into a relationship he's a person who doesn't want a commitment just a plain s*x he's a fan of that. Never in hes life he see hes self falling with a woman courting a woman or...