KABANATA 18

40 2 0
                                    

Sa loob ng tatlong buwang wala si Drexel ay mababaliw na siya isang buwang hindi niya nakita at naka-usap man lang wala siyang ideya kung ano ang nangyari dito. At ngayon ito na ang araw na pinakahihintay niya maaga siyang gumising at naghanda pagkatapos nilang sabay na kumain ay emosyonal na ang magulang niya.

Ito ang araw na susundan niya si Drexel at ang kuya nito gusto niya sanang sumabay sa kuya niya pero hindi siya pinayagan hangga't hindi siya umabot sa edad na 18 pero ngayon ito ang kaarawan niya at ang araw na susundan niya ang nobyo.

"Mag-iingat ka dun Laura. Natatakot ako para sayo pero alam kung disidido kana kaya susuportahan ka na lang namin." emosyonal na turan ng kanyang ina. Ito ang unang pagkakataong lalabas siya sa bayan nila tapos mag-iisa lang siya kailangan nilang tatagan ang kanilang loob para sa anak alam nilang kakayanin nito.

"Wag kayong mag-alala ina magiging maayos lang po ako doon." wika niya sa ina hindi na lang sumagot ang ginang pa at niyakap ang anak sa huli ganun din ang ama niya bago ito tuluyang umalis.

Hindi alam ni Laura ang nararamdaman niya sa oras na iyon kinakabahan siya hindi niya alam kung anong klaseng mundo ang meron sa labas ng bayan nila. Lulan ng sasakyang maghahatid sa kanya sa Maynila ay panay ang dasal niya na sana maging maayos ang lahat.

Nang tuluyan na ngang nakalabas ang sasakyan nila sa bayan ay hindi niya napigilan ang sarili na maglumikot manghang-mangha siya sa mga modernong bahay maraming sasakyan ang tumatakbo.

"Manong bakit po kayo huminto?" tanong niya sa driver nila.

"Binibining Laura trapik po kasi." sagot nito maguguluhan si Laura kung ano ang ibig sabihin nito.

"Trapik po?"

"Oo! Ganito dito sa Maynila mabagal ang usad ng mga sasakyan hindi gaya sa bayan natin." paliwanag nito ngayon may nalaman na siya tungkol sa labas ng bayan nila.

"Manong tignan mo napakatayog ng bagay na iyan." turo niya sa matayog na gusali wala siyang ideya kung ano ito dahil wala namang ganito sa bayan nila. "Hindi ba guguho ang iyan napakadelikado naman."

"Gusali po ang tawag diyan Binibining Laura."

"Gusali? Iyan ba ang ibig sabihin ng kuya ko kung saan sila tumira." sabi kasi ng kuya niya matayog raw ang tinirhan nila kaya nga labis ang pag-alala niya ng malaman iyon.

"Iba din po iyon Binibining Laura condominium ang tawag doon o condo." sagot ng driver nila habang tutok parin ito sa daan. Hindi ito ang unang beses niyang lumabas ng bayan kaya nasanay na siya ganyan na ganyan din ang reaksyon niya ng una siyang makalabas pero kahit ganon walang tatalo parin sa bayan nila.

"Kondol?" na tawa ito sa sinabi ni Laura.

"Condo po Binibining Laura walang L sa dulo."

"Condo? Pasensya kana manong, ah." nahiya tuloy siya sa inasal niya.

"Maayos lang yun Binibini ganyan din ako noong una ko pa dito." ngumiti na lamang si Laura bilang sagot at binusog ang mata sa mga tanawing nakikita niya hanggang makarating sila sa condominium Building kung saan naninirahan ang kapatid niya.

"Binibini hanggang dito lang po ako. Mag-iingat po kayo dito." paalala nito.

"Salamat manong." Bumaba na siya kaagad tinanaw niya pa ang sasakyan nila bago ito mawala sa paningin niya.

Ngayong wala na siyang kasamang kilala niya ano ang gagawin niya. Wala siyang dalang cellphone para tawagan ang kapatid niya na nandito na siya. Lihim niyang pinagalitan ang sarili wala siyang kilala dito kaya wala siyang malapitan at mahingian ng tulong.

Finally Found My Binibini✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon