Chapter Four

784 26 0
                                    

"The Bully"

Masama pa rin ang tingin ko sa kanya habang pumipili ang saleslady ng babagay sa akin na sapatos. Ayaw ko ng makagawa ng ingay sa loob ng mall kaya nanahimik na ako habang nakaupo at naghihintay. Ang problema ko lang doon ay ang ipangbabayad ko sa sapatos. Alangan namang sabihin ko sa saleslady na hindi ako bibili mapapahiya lang ako. Bwiset kasi tong lalaking to akala mo siya ang bibili.

Masama pa rin ang tingin ko sa kanya hanggang ngayon, buti nalang nakatalikod ang babae. Kung nakakamatay lang ang tingin ko kanina pa siya nakahandusay sa lupa!

"Ma'am ito po ang bagay sa inyo," pinakita nito sa akin ang white na sapatos. Maganda ang style niya at malinis tingnan.

"Mas bagay po ito sayo ma'am kasi maputi po kayo at ito po ang isa sa bagong stocks po namin. Diba po sir?" Napatingin ako kay Recho ng tanungin siya ng saleslady, tumaas ang kilay ko sa kanya ng tumango ito.

"Magkano po ba yan?" Tanong ko,

"3,250 po ma'am," nalula ako sa presyo, tiningnan ko ng maigi ang sapatos. Kaya siguro mahal kasi branded ito na sapatos, sayang ang ganda pa naman sana. Nasa one thousand lang ang pwede kong igastos para sana dito.

"We'll buy it." Nanlaki ang mata ko na tumingin sa kanya. Umiiling pa ako pero parang wala lang itong nakita. I frowned and when I saw the saleslady walking away I stand up and faced him.

"Bakit mo sinabing bibili ako? Wala akong pambayad roon! Sinabihan na kita na nagtitipid ako ah!?" I looked at his innocent eyes, kapag tumitingin ako dito parang lumulutang ako sa ere. Ngayon ko lang ito naramdaman, nahihypnotismo ako nito.

"Don't worry I'll pay it." Nakatingin pa rin ako sa mga mata niya.

"Bakit...bakit ikaw ang magbabayad? Sabihan mo nalang na wag na akong bibili." Sabi ko sa kanya.

"I will pay it for you." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ba niya ito ginagawa. Nauna siyang naglakad papunta sa saleslady kanina at ako naman naiwan pa ring nakatayo at hindi makapaniwala.








Palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari kanina. Heto ako ngayon sa loob ng office ng lahat ng mga teachers dahil may meeting daw kaming lahat na officers. Kanina pagkapark pa lang ng kotse ni Recho tumawag sa akin si Chelsea, ang vice president sinabi nito sa akin na may meeting daw kami ngayong ala una at excuse daw kami sa lahat ng klase namin.

Nag-uusap usap ang ibang officers na taga ibang section at grade kung tungkol saan ang meeting. I have a feeling that it's about Yanna talking about, the foundation week. Siguradong magpipresent na naman kami ng ibat ibang booth.

The place became quiet when the principal rolls in with her intimidated aura. Halos lahat ay nagsiupo ng pormal at yumuko bilang pag galang.

"Goodmorning everyone so nagpatawag ako ng meeting for this day kasi medyo hectic ang schedule ng mga teachers ngayon. It is all about our foundation week next month." As expected that will she say, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita about sa gagawin namin.

"So just like last year all the officers of every section will present their booth and also pipili kayo ng dalawa niyong members na pwedeng maging myembro ng cleaning team. Pag usapan niyong maigi kung sino ang pipiliin niyo." I sighed about it, talagang magkakaproblema tayo dito.

Tiningnan ko isa isa ang mga kasamahan ko at lahat sila parang sinakluban ng lupa ang mga mukha kaya napailing iling nalang ako.

"...teachers will give all of you their assignments and projects kasi busy sila ngayon. We have three weeks and two days left okay?" We all nod at lahat ng teachers ay nagsibalik sa kanilang table at kami naman pupunta ng classroom para sabihin ito sa mga kaklase.

Pagod akong naglakad kasabay kong secretary sa classroom. Naabutan ko ang magulong classroom. I took a deep breathe before entering the room completely.

Pumasok na din ang mga kasamahan kong officers at naglinya basi sa estado nila. Tumingin ako at tumingin sa kanilang lahat, napahinto ako sa inosenteng mga matang iyon. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang nangyari kanina.

Tumingin ulit ako sa kanilang lahat bago ako nagsalita.

"Classmate next month is our foundation month kaya siguro ngayong mga week wala tayong klase..." hindi pa ako tapos magsalita ng bigla na silang sumigaw sa saya kaya napailing ulit ako at tumingin sa treasurer na lalaki. Itinaas ko ang aking kamay kaya tumango ito sa akin at humarap sa unahan.

"Students quiet!" dahil natatakot sila kay Thunder ay tumahimik silang lahat. Nakakatakot naman talaga si Thunder. Kaya siya palagi ang sinasabihan kong suwayin ang mga nag-iingay kasi halos lahat sa kanila takot sa kanya lalo na ang mga babae.

"So I was saying na kahit wala tayong klase magbibigay pa rin ang mga teachers ng projects at assignments sa atin. And also kailangan niyong maging present at wag aabsent kahit wala tayong klase, clear?" Dismayado lahat ang mga mukha nila.

Kaming lahat na officers ay pumunta sa office namin para pag usapan ang tungkol sa booth at kung sino ang pipiliin namin sa cleaning team.

"Magreresearced ulit ako mamaya para mga booth."

"Ano kaya kung magsine ulit tayo?" Napatingin ako sa Vice Mayor na si Chelsea.

"Mas maganda kapag maiba naman ngayon." Sumang-ayon naman ito sa akin, dahil wala pa kaming naiisip na booth nagdecide nalang kami na piliin ang sa cleaning team.

Tiningnan ko sila isa isa, lahat sila galing sa mayamang angkan at ako lang ang scholar. Ako lang naman talaga mag-isa ang nag iisang scholar sa section namin.

"Okay sinong gustong mag volunteer sa cleaning team?" Tanong ko.

Alam ko namang walang mag vovolunteer sa kanila. Pero tinanong ko pa rin hoping na may mag volunteer isa sa kanila.

"Pwedeng ako nalang," Napatingin ako kay Thunder ng magsalita ito.

"Hindi ka pwede ikaw ang mamahala sa gagastusin natin para sa booth." Sabi ko sa kanya, nakayuko lang silang lahat at malalim ang iniisip. I bite my lower lip.

Kung walang mag vovolunteer ni isa sa amin wala kaming points na makukuha. Kami kasing mga officers may advantage rin, nagpapadagdag ng points kapag isa kang officer ng classroom. Iwan ko nga din bat ako ang naging mayor noong nagdaang taon hanggang ngayon. Iniisip ko tuloy na natatakot sila sa responsibilidad ng isang mayor.

Napahilot ako ng sintido habang tumingin sa kanila, mukhang walang mag vovolunteer.

"Sige na bukas ulit tayo meeting mukha na tayong ma memental dahil sa sobrang pag iisip." I said. They all smiled and nod at me. I also smiled back to them.

Napailing nalang ako at umalis na ng room dala dala ang mga folders na kailangan kong ayusin mamaya. Pupunta pa akong room ng teachers para tingnan kung may projects ba kami o wala sa kada teachers.

Nakakaistress talaga ito. Hinihilot ko ang sintido ko ng may nakabangga ako. Nagkalat tuloy ang mga folders na dala ko,

"Naku naman." Inayos ko lahat at tumayo na para magsorry sana sa nakabunggo ko kaso napatigil ako ng makita ko kung sino ito.

"Look who's here. Si Mayor nerd pala, ang tadhana nga naman oh!" Napalunok ako habang nakatingin kay Hanna. Taga class B siya at siya ang Mayor doon din. Isa siya sa mga nambubully sa akin dito sa school. Well she's kinda popular because she is really beautiful outside.

"Nabalitaan kong may meeting kanina sayang wala ako roon. " Yumuko ako sa sinabi niya. Mas mabuti ngang wala ka doon bitch! Gustong gusto ko yang sabihin sa kanya pero wala ako sa pwesto para sabihin ko sa kanya yun.

"Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Naputol na ba ang dila mo?" Hindi pa rin ako umimik at hinigpitan ang hawak ko sa mga folder. Pinipigilan ang sarili na makagawa ng hindi magandang bagay.

"Ayaw mong magsorry sa akin?" Tanong nito ulit. Napalunok ako.

"So...sorry," mahinang sabi ko. Narinig ko ang mumunti niyang halakhak.

"Linzey, Linzey, Linzey . Mahina ka talaga, sige see you around." Sabi nito at umalis na. Kanina pa ako nagpipigil sa nagbabadya kong luha. Ng maramdaman kong tumulo na kaagad ko itong pinunasan. Mabuti nalang at walang tao dito sa corridor kaya walang nakakita sa akin. I don't want anyone see how weak I am. I sighed and dicided to walk again to my destination.

Innocent but Devil ( Devil Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon