"SHALL WE start the Friendship Test game?" tanong ng DJ ng radio show sa wikang Koreano kung saan sila nag-guest.
"Ne!" sabay-sabay na sagot ng grupong Seven Degrees.
"Explain ko muna ang mechanics. 'Yong mga sinagutan ninyong tanong kanina bago magsimula ang show tungkol sa personal profile ninyo. Iyon ang magiging questions n'yo sa mabubunot n'yo na ka-miyembro n'yo. Dapat ay magkaroon siya ng points sa pamamagitan ng mga tamang sagot sa loob ng isang minuto. Ang makakakuha ng pinakamababang score ay may parusa. Pupunta siya sa tapat ng audience entrance, at sa harap ng mga fans n'yo. Kailangan niyang magsayaw ng thirty seconds. And yes, we will record the video and upload it on our website. The winner will receive an exclusive NBN Network diary," paliwanag ng DJ.
"Ang pangalan na mabubunot ng unang magtatanong ay siyang sasagot ng mga questions. Starting from Jay, bunot ka ng name ng kagrupo mo," sabi pa nito.
Pagbunot ng pangalan ni Jay ay sinilip ito ng katabi nitong si Mark, sabay tawa ng huli. "I saw it!" natatawang wika nito.
"Sinong sasagot sa questions mo?" tanong ng DJ kay Jay.
Ngumiti si Jay. "Jacob!"
"I'm ready!" sagot niya.
"Okay, and... start!" anang DJ.
"Girl group that I'm interested these days?" tanong ni Jay.
"Say A!" mabilis na sagot ni Jacob. Ang "Say A" ay ang girl group na kasama nila at artists ng PhilKor Entertainment.
"Mali!" ani Jay.
Napabuntong hininga si Jacob sabay iling kaya natawa ang iba pa niyang kamiyembro.
"Sino ang sa tingin kong 'fashion terrorist' ng Seven Degrees?"
"Yohann!"
"Mali! Wala ang sagot ko!"
"What? Hindi si Yohann?" gulat pang tanong niya.
"Belat!" pang-aasar pa ni Yohann sa kanya.
"Sino ang pinakaguwapong miyembro para sa akin?"
"Brian!" mabilis niyang sagot.
"Nope, it's Yuan!" wika ni Jay.
"Mwohanya?" komento ni Jacob na dahilan para matawa ang iba pa nilang ka-miyembro. Ang ibig sabihin ng sinabi niyon ay "Anong ginagawa mo?"
"Anong gusto kong concept para sa susunod na album natin?" tanong ulit ni Jay.
"Super sexy!" sagot ulit niya.
"Mali ulit!"
"Mwoya?!" protesta na niya. Nagtawan na naman ang mga kasama niya pati ang DJ dahil wala pa siyang nakukuhang tamang sagot.
"Anong score ang binigay sa akin ni Ji-yoon Hyung noong last recording?" tanong ni Jay.
"Ninety nine!"
"Mali! Ninety eight!"
Napabuntong hininga na lang si Jacob at napailing habang patuloy siyang pinagtatawanan ng mga kasama.
"Anong gusto kong gawin bago matapos ang taon?" tanong ulit ni Jay.
"Niga eotteokhae ara? Eh malayo pa 'yon?" sa halip ay nakukunsumi nang sagot niya. Ang ibig sabihin ng una niyang sinabi ay "Paano ko malalaman 'yon?"
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...