PROLOGUE
Gabriel
There is something in the atmosphere that scares me. Tila ang mga haka-haka sa kaharian, unti-unti nang nagdudulot ng kakaibang pakiramdam para sa karamihan at hindi ko iyon nagugustuhan.
Nakatiklop ang aking mga pakpak habang tahimik kong tinatahak ang daan patungo sa silid na sinabi ng pinunong arkanghel, ngunit sa kabila ng katahimikan ng lugar, hindi magawang mapanatag ng aking loob.
Lumiko ako sa sunod na pasilyo ngunit agad na napahinto nang marinig ko ang dalawang pamilyar na tinig. Bahagya akong umatras upang magtago at mapakinggan ang usapan ng dalawa kong kapatid.
"Kailangan mo siyang pigilan. Alam nating pareho ang kayang gawin ni Michael sa oras na malaman niyang kabilang siya sa mga nagtatangkang umalyansa sa Cherubim." May diin ngunit mahinang ani ni Jophiel?
Sumilip ako at nakita kung paanong hinilamos ni Prime ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Sinubukan ko na ngunit hindi na niya ako pinakikinggan." May bahid ng pagkadismaya niyang tugon.
Sandali silang nabalot ng katahimikan na tila pareho nilang hindi alam ang gagawin. Someone is bothering Archangel Jophiel? The ones who sees the beauty in everything? At ganoon din kay Prime? Raphael's best apprentice who's about to be promoted in the higher council of angels? Bukod kay Lucifer, wala na akong ibang maisip na pwedeng maging dahilan ng pagkabahala nila ngunit halatang hindi ang Cherub iyon. There's someone else. Could the rumors be true? That there really are other angels who want to rebel against The Almighty? Hindi ko mapaniwalaan.
A sigh left Jophiel's lips. Hinawi niya ang kanyang gintong buhok patungo sa likod saka siya umiling. Bakas sa kanyang maamong mukha ang matinding pag-aalala ngunit sa kanyang mga mata ay makikita ang takot at lungkot na tila may ideya na siya sa maaaring mangyari.
"I believe in the beauty of your soul, Prime. I never doubted you. Sana'y hindi ka gumawa ng anumang pagsisisihan mo sa huli dahil ako ang unang luluha para sa iyo sa oras na mangyari iyon..." Makahulugang basag ni Jophiel sa katahimikan bago tuluyang iniwan doon si Prime.
Prime remain standing there, watching Archangel Jophiel walk gracefully towards the other end of the hall. Hindi ko maiwasang mapalunok. Whoever they were talking about, I know that angel is in danger.
Michael's knuckles turned pale white as he shot Uriel with his infamous glare. His thick, deadly-looking pair of brows furrowed, signalling everyone in the angelus room something we all should be feared about. The head of the angels is a hard one to please...just as how hard it is to actually piss him off.
"Two of his closest brethrens already gave a hunch about it. Tingin ko ay balak na niyang isiwalat ang tungkol dito sa nalalapit na pagpupulong," ani Uriel na pilit tinatago ang namumuong takot dala ng pinapakitang eksresyon ni Michael.
Sumandal sa kanyang silya si Michael saka niya pinasadahan ng kanyang mga daliri ang kanina pa magulong gintong buhok. This is not good. The last thing every angel in the Celestial Kingdom would want is to make him furious. Michael is a ruthless leader. He'd slaughter anyone who'd break the rules...ano pa kaya ang magagawa niya sa sinomang magtatangkang magrebelde sa kanilang Ama? Kahit pa iyong mas matataas sa kanya...
Michael had always been faithful to the Father. He ows him his life and everything that he has, especially his grace and he will do anything to protect him. I know he'll even forget about the bonds he had shared with his closest brethrens once he finds out that the rumors are true. Ngayon pa lamang ay natatakot na ako sa maaaring kahantungan ng lahat ng ito kung sakali mang totoo ang binabalita ng pinuno ng mga dela gwardia.
Lumunok ako at ipinatong ang aking kamay sa nakakuyom na kamao ni Michael. Mahina ko itong piniga, dahilan upang maagaw ko sandali ang kanyang atensyon.
BINABASA MO ANG
PAINFULLY FALLING [BOOK 1]
Fantasía"They said it was a sin, but I still call it love." A fallen who's trying to redeem himself, a girl who was never believed in about the things she'd seen, a guardian who fell for a mortal, and a servant of heaven who chose exile to redeem a fallen...