Chapter 13

3 3 0
                                    

Chapter 13

Gabriel

From the second layer of reality, I watched Raphael lock his jaw as his eyes remained gazing at the two people across the road. The streets are still busy with all the vehicles passing by, but for the first time in history, the loud noises of this planet didn't bother me...because I was more worried about the scene Raphael is now watching.

Hindi ko maiwasang makadama ng lungkot para sa kanya, ngunit alam kong sa oras na maramdaman niya iyon mula sa akin ay tiyak na magagalit siya. He never liked sharing his worries, nor seeing others feel the same way because of him.

I sighed and took one more glance at the man holding the woman who just passed out. Masakit makita silang muling magkasama ngunit sa ganitong kalagayan, pero mas masakit ang makitang tinanggal ng demonyong nasa malapit sa kanila ang layer na naghihiwalay sa kanila mula sa amin, dahilan upang makita ng babae si Raphael.

And that looked on her face before she passed out, that was so familiar that I knew it still haunts Raphael up until now, but who am I to blame him? He was not able to save two important angels in his life...and now that he's seeing them unconsciously try their best to go back to the father, I know it's nothing but torture to him.

Pero bakit kahit masakit na, nagagawa pa rin niyang tiisin? Does pain really demands to be felt in this world, no matter who you may be? Nakagat ko ang aking ibabang labi sa naisip.

Poor Raphael. Bakit kailangan niyang patuloy na saktan at sisihin ang kanyang sarili? Why is he choosing pain when it's so easy to fly away from all of this? Many people are wishing for wings so they could save themselves from things like this, but Raphael, a mighty, winged being, chose to not move and catch every bullet of pain, longing, and regret that's being shot towards him.

Hindi ko na kayang basta magmasid na lamang habang nakikita ko kung gaano kaaliw ang pamilyar na demonyo sa ekspresyong nakaguhit ngayon sa mukha ni Raphael. Hayaan lamang ako ni Raphael ngayong gabi, itutuloy ko ang naudlot naming engkwentro noon sa langit nitong demonyong ito.

Tuluyan akong lumipat sa first layer suot ang aking vessel. I really don't like this. The flesh makes me feel heavier than the actual weight of my angelic body.

Tumayo ako sa tabi ni Raphael at pinagmasdan ang kanyang tinitignan. Ni hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin o sinungitan dahil iniwanan ko na naman ang pinunong Arkanghel sa langit. Tila ba sa mga oras na ito na nakatutok ang mga mata niya sa dalawang pamilyar na bulto, nawalan na siya ng pakialam para intindihin pa ang ibang bagay.

A heavy sigh left Raph's lips. Hindi na talaga napawi ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha, ngunit ang hindi ko matagalan ay iyong pagsisisi na malinaw ang pagkakapinta sa kanyang mga mata.

"I have sent seven demons to hell today, but my body seems to still be asking for more." Seryoso ang kanyang tinig habang hindi inaalis ang tingin sa dalawang taong nasa kabilang daan.

My lips slightly curved upward. Alam ko ang ibig niyang sabihin dahil bukod sa dalawang taong nasa kabila ng daan, patuloy sa pag-agaw sa aking atensyon ang pamilyar na demonyong minsan ko nang nakaengkwentro. She used to have an angelic body when we had our first fight, ngayon ay napakalayo na ng kanyang itsura.

Look at that vicious and teasing smirk on her face? Napakapamilyar ng ngising iyon at sa totoo lang, hinintay ko nang ilang cycle ang pagkakataong makita itong muli.

Naningkit ang aking mga mata sa demonyo, ngunit mayamaya'y naagaw ni Raphael ang aking atensyon nang haplusin niya ang parte ng kanyang leeg kung saan nakalagay ang kanyang grace. Ang kanyang mga mata'y nakatuon sa babaeng akay ng dati niyang kasangga na ngayon ay wala nang alaala ng minsang walang hanggan nitong buhay.

"Wag mo munang intindihin ang demonyong 'yan. Magfocus ka sa bagay na matagal nilang tinago sa atin. Did you feel that? It's getting weaker." Ani Raphael.

I shut my eyes for a few seconds, feeling the grace I have longed to feel for how how many cycles. The grace we kept looking for in her every lifetime but failed. I can feel it again now, but it pains me to know that her grace is no longer as strong as before.

Before the war in heaven divided us.

Before she wept for the angel she most cared for.

Before she chose exile so heaven could give him the chance to redeem himself.

I opened my eyes and stared at the man holding the woman in his arms. Gumuhit ang mapaklang ngiti sa aking mga labi at hindi napigilan ng aking bibig na magpakawala ng malalim na hininga.

Why? Why did they choose this path? Hindi ko pa rin maintindihan, o baka, hindi ko talaga nais maintindihan. Not because I don't care about their reasons. It's just that, they were the last of us whom I expected to do such sacrifices we all know would hurt the Almighty.

"This is their last shot, Raphael. I hope you know what's gonna happen if they'd fail." Bakas ang lungkot at awa sa aking tinig. Ayaw ko man iyong ipadama sa kanya, ngunit hindi ko na talaga kaya pang pigilan. Nasasaktan ako para sa kanya, kay Prime, at sa huling Arkanghel na inasahan kong bibitiwan ang kanyang pwesto sa langit para lang sa isang anghel na mas piniling ibuwis ang kanyang walang hanggang buhay para sa isang rebelde.

Rebeldeng ngayon ay ngumingisi-ngisi na lamang sa amin ni Raphael at tila tuwang-tuwang malamang nagawa nilang itago sa amin ang Arkanghel na matagal na naming hinahanap.

Umigting ang panga ni Raphael. Sandali siyang yumuko at humugot ng malalim na hininga bago niya ibinalik ang layer na naghihiwalay sa reyalidad na nakikita ng mga tao mula sa parteng hindi na nila dapat pang masaksihan.

The layer where the bloody wars happen every single day.

Kasabay ng malamyos na pag-ihip ng hangin, binunot niya ang kanyang espada at tuluyang ibinaling ang kanyang nanlilisik na mga mata sa babaeng nasa kabilang daan, na ngayon ay mas mapang-asar na ang pagkakangisi sa amin.

The familiar devil showed us the black wings she acquired by unlocking some seals that holds Lucifer in prison. Unti-unti siyang umangat sa ere at tila nanunuyang ibinuka ang kanyang mga braso, ipinagyayabang ang maitim na pakpak na nababagay lamang sa kanyang budhi.

"This pair of wings feel better." Nabaling sa akin ang kanyang tingin at naningkit ang kanyang pulang mga mata. "Better than the wings you cut off from my back...Gabriel."

My grace glowed as my body went back to its battle form. Sumayaw ang aking gintong buhok nang muling umihip ang hangin at tuluyan kong hinayaang madama ng aking buong sistema ang aking grace.

Habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata, hinugot ko sa aking tagiliran ang espadang nagdeklara ng opisyal na simula ng gyera ng mga angel laban sa kampon ng dating Cherubim. Ang parehong espadang ginamit ng pinunong Arkanghel upang tuluyang isara ang impyerno.

My hand held the mighty sword as if my whole body is connected to it, and as I positioned myself for an attack, my lips curved upward and called her forbidden name.

"Lilith..."


PAINFULLY FALLING [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon