Chapter 12

3 3 0
                                    

Chapter 12

Violet

Humihikab na si Lusker nang lumabas kami ng presinto kung saan naisampa ang report tungkol sa pagkawala ni Lemuel. Unfortunately even the police didn't find any traces yet. Animo ay naglahong parang bula si Lemuel sa gabi ng festival at kahit isang witness man lamang ay walang nahanap.

Malamig ang simoy ng hangin dahil sa parating na bagyo. Kaunti na rin ang mga tao sa lansangan dahil dis oras na ng gabi ngunit pakiramdam ko ay wala pang kapaguran ang aking katawan. Lusker and I have been looking for clues to find Lemuel for days, pero hanggang ngayon, bigo kaming pareho.

"Let's grab something to eat before I'll take you home. Hindi ka pa kumakain anong oras na." Suhestiyon niya habang tinatahak namin ang daan patungo sa East Dawson Avenue.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hindi ako nagugutom sa totoo lang, pero baka nga kailangan ko na rin ng pagkain sa katawan kung hindi ay baka magkasakit naman ako. Mas mahihirapan lamang akong hanapin si Lemuel kapag nangyari iyon.

"Mabuti pa nga siguro. But let's get something light. Hindi naman ako gaanong gutom." Tugon ko saka ko ibinaling sa aming mga paa ang aking tingin.

Our feet seem to be in sync. Sabay na sabay ang aming bawat hakbang kahit pa kung tutuusin ay mas mahaba ang biyas niya kumpara sa akin. Naalala ko tuloy ang isang lesson sa psychology class ko. Sabi ng prof ay unconsciously, nagagaya mo ang kilos ng isang tao kapag gusto mo ito. I wonder. Is it me who's copying him o siya itong unconsciously nagagaya ang hakbang ko?

"What are you thinking?"

Napaangat ako ng tingin sa gwapo niyang mukha na hindi ko man lang namalayang may matipid na ngisi pala sa aking mga labi. Tumaas ang kanyang kilay at tumikwas ng matipid ang sulok ng kanyang mga labi nang makita iyon.

"Minsan gusto kong matakot sayo lately. Are you sure you're taking care of your mental health? May mga pagkakataong bigla na lang nagbabago ang mood mo. Kanina para kang pinagsakluban ng langit at lupa noong nasa presinto tayo, ngayon naman ngumingisi-ngisi ka na diyan." Mahina itong humalakhak na tila nang-aasar.

Hindi ko napigilan ang kamay ko na hampasin ang kanyang braso. "I'm pretty sure I'm still in the right mind, Lusker. Ikaw? Nasa katinuan ka pa ba at sinasamahan mo ang boring na gaya ko?"

"Nah. It's actually fun to have you around. Para bang kilala na kita. Ewan. I know it may sound crazy but the moment I saw you outside the student's government office, pakiramdam ko hindi 'yon ang unang kita ko sayo." Pag-amin nito dahil para tumaas ang kilay ko at lumawak ang aking ngisi.

"Parang ikaw naman yata ang may tama sa utak sa ating dalawa? Don't tell me you believe in reincarnation?" Natatawa kong tanong.

Napakamot siya ng kanyang batok, tila hindi sigurado kung sasagutin ba ang tanong ko o ililigtas niya ang sarili niya mula sa kahihiyan.

Sa huli ay bumuntong hininga siya saka siya huminto sa paglalakad dahilan upang mapatigil din ako. Mula sa aming pwesto, tiningala niya ang madilim na kalangitang nagbabadya na anumang oras, tuluyan nang bubuhos ang malakas na ulan.

"Do you remember what I told you about Maegan?" Tanong niya sa mahinang tinig, ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa kalangitan.

Tinango ko ang aking ulo. "Sabi mo ay huwag kong paniwalaan ang claims niya. You even mentioned that her brother got killed because of her lies."

Lusker licked his lower lip before he stroke his hair with his fingers. "That's true. Maegan's brother got killed, pero lately, I am having this weird dreams, kung panaginip ba ang tawag doon."

Tuluyang nagsalubong ang aking mga kilay nang muli niyang ibaling ang tingin sa akin. "What do you mean?"

He let out another heavy sigh, as if it's so hard for him to weigh things down. At sa maikling panahong nakakasama ko siya, ngayon ko lamang siyang nakitang ganito.

"Yesterday, I bumped into a man with long blondes who looks so familiar to me...at nang titigan niya ang peklat ko, parang may mga imaheng bigla na lang nagflash sa utak ko. I don't even know if those memories are really mine or my brain is just playing tricks on me. Pero alam mo kung anong kakatwa ro'n?" Tanong niya sa akin.

Lumunok ako at hindi inalis ang tingin sa kanyang mga mata. "Ano?"

"Para bang pakiramdam ko, sobrang laki ng kasalanan ko sa taong 'yon. Hindi ko alam kung bakit." Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. Mayamaya ay mahina siyang natawa habang umiiling. "How ironic that I told you to never believe unrealistic stuff yet here I am, telling you the crazy things my head is creating to mess with me."

Binaling ko ang tingin sa kalangitan saka ako nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "What if I'd tell you that a very famous creation of God scares the shit out of me everytime people are talking about him or kapag nakakakita ako ng paintings na nagrerepresinta sa kanya? Am I odd, too if that's my case?" Muli kong binaling ang tingin sa kanya.

Kumunot ang noo ni Lusker at gumuhit ang kyuryosidad sa kanyang asul na mga mata. "That's odd. Sino ba ang tinutukoy mo?"

Lumungkot ang aking ekspresyon at tila piniga ang aking puso sa hindi malamang dahilan. Ewan ko ba. The thought of Archangel Michael always give me this kind of vibe I don't even know where is coming from. Minsan tuloy ay parang gusto ko nang sugurin ang mga simbahan at kumbento upang alamin kung may kinalaman ba ang pagiging non-religious ko para makaramdam ako ng ganito.

"Si Archangel Michael..." Mahina kong tugon ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang unti-unting pagputla ng kanyang mukha. Nalukot ang aking noo dala ng pagtataka. "Bakit?"

Iniwas niya ang tingin niya saka niya binasa ang kanyang ibabang labi. "W-Wala. May naalala lang na naman ako. Tara na. May alam akong ramen house na malapit."

Nauna na siyang naglakad kaya halos takbuhin ko ang aming distansyang dalawa, ngunit bago pa man kami makarating sa susunod na kanto ay halos sabay na tumunog ang aming phone. Napahinto kaming pareho at sabay na dinukot ang aming mga cellphone para tignan kung sino ang nagtext.

YOU HAVE BEEN CHOSEN TO JOIN PROFESSOR COUNT'S SPECIAL TEAM TO DO A SECRET RESEARCH. KINDLY REPORT TO ROOM 6, SIXTH FLOOR TOMORROW AT EIGHT PM SHARP. DO NOT TELL ANYONE WITHOUT THE PROFESSOR'S CONSENT.

"What's this?" Puno ng pagtatakang tanong ni Lusker.

Salubong ang aking mga kilay nang ipakita ko sa kanya ang text mula sa parehong numero. Sandali niya iyong tinignan saka siya muling nagsalita. "Alam mo ba ang tungkol dito?"

Umiling ako. "Hindi, pero may mga narinig akong chismis noon tungkol kay Professor Count na baka connected dito."

"Chismis? About what?" Lalong nalukot ang kanyang noo.

"Professor Count is so obsessed with angels and demons...even claimed that he was once used by an archangel." Tugon ko na lalo lamang nagpatindi sa pagtataka ni Lusker.

"Okay, that is a different level of delusion." Biro niya ngunit nakita ko ang pagguhit ng pag-aalala sa kanyang mga mata. "At sino namang anghel ang gumamit sa kanya?"

I took in a deep breath and stared at Lusker's scar unconsciously.

"Raphael. The archangel Raphael..."

PAINFULLY FALLING [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon