Chapter 8

5 3 0
                                    


CHAPTER 8

Violet

Barnum St. is flooded with tourists because of the annual Masquerade Festival. Halos kaliwa't-kanan ang mga nagtitinnda ng kung ano-anong items para sa street festival mamayang gabi. Naglipana na rin ang mga musikerong tumutugtog para sa ilang baryang handang ibato sa kaha ng kanilang mga istrumento.

"Thank you," Lemuel politely uttered. Kinuha niya sa tindera ang binili niyang dalawang iced coffee with jelly saka iniabot sa akin ang isa bago kami nagpatuloy sa paglalakad sa abalang parte ng syudad.

Sumimsim ako ng kaunti habang pinagmamasdan ang bawat stall na aming nadaraanan. Gumuhit sa aking lalamunan ang magkahalong tamis at pait ng inumin na hindi ko inasahang magugustuhan ko pala ang lasa. "Masarap pala 'to? How come you never had me taste this before?" I asked while throwing glances to the faces of some strangers checking the stalls.

Umismid siya saka maingay na humigop sa kanyang inumin. "Hindi ko naman alam kung magugustuhan mo. Ang alam ko lang ayaw mo ng gelatin na ginawa ko noon." Kunwari pa ay nagtatampo nitong tugon.

Lumandas ang isang ngisi sa aking mga labi dahil sa narinig. kapagkuwan ay inirapan ko siya saka mahinang binunggo dahilan upang mahina siyang matawa. "Hindi naman kasi talaga masarap iyong gelatin mong kulay uling." Pang-aasar ko.

Tumaas ang isa niyang kilay na tila naghahamon. "It was coffee flavor, lady."

Napailing na lamang ako habang nakangisi. "Coffee my ass. Didn't taste like one."

"You know you're hurting my feelings, right?" He asked with a hint of grin plastered on his lips.

Lumawak ang kurba sa aking mga labi. "Of course." Mahina akong humagikgik.

"Wow." He dramatically patted his chest with his right hand. "I can't believe I got the worst bestfriend, really."

Nauna akong naglakad saka ako humarap sa kanya at pabaliktad na humakbang. A playful grin made its way to my lips as I cocked my brow at him. "The one and only and the best you can find. You're welcome." I bowed my head a little to tease him, ngunit nang iangat kong muli ang aking ulo ay bigla akong napahinto sa paghakbang nang makita ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa likod ni Lemuel. The woman I had talked to at the hospital who magically disappeared, is staring at me with a meaningful smirk written on her bloody red lips.

Ngunit gaya nang una ko siyang nakita, bigla na lamang na naman siyang nawala nang ikurap ko ang aking mga mata.

"Hey, you okay?" Nagtatakang tanong ni Lemuel saka niya nilingon ang tinitignan ko. "Anong problema?" Kunot na ang noo niyang tanong nang muli siyang tumingin sa akin.

Marahas akong bumuga ng hangin saka ko hinilamos ang aking palad sa aking namutlang mukha. Maybe I should see a doctor before I finally lose my mind.

"Nothing..." I bit my lower lip. "Maybe we should go now. Mukhang kailangan na rin talaga ng katawan ko ng pahinga."

He stared at me for a moment as if he didn't believe it's nothing more than what I said. Tila ba gusto pa niyang ulitin ang pagtatanong ngunit nang hatakin ko na siya upang bumalik sa sasakyan ko  ay pinili na lamang niyang itikom ang kanyang bibig.

"You know what, maybe we shouldn't go tonight. I mean, kung hindi mo kaya ayos lang naman. Hindi pa naman ito ang huling Masquerade Street Dance." Ani Lemuel sa mahinahong tinig nang tuluyan naming narating ang aking sasakyan.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa narinig. "I told you, it'll just be my second time to join. My Dad had always been a party pooper since Mom got sick."

PAINFULLY FALLING [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon