Chapter 9

5 3 0
                                    

Chapter Nine

Violet's POV

Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng aking tainga. My upper face is already covered with the mask, and the white dress that came from an anonymous sender fitted perfectly in my body. Tila ba sinukat mismo ang damit para sa aking katawan, at may parte sa aking pusong natuwang makitang nakasuot ito sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang sarili sa salamin, tinignan ang bawat detalye ng napakagandang damit. I wonder how it would look like with a fake wings. Siguro ay mag maganda itong tignan. A part of me wants to believe that the dress really belongs to me, and that made my heart flatter...and search for something that had triggered a deeper part of my mind.

Sinayaw ko ang laylayan habang nakakurba sa isang matipid na ngiti ang aking mga labi ngunit natigil ang aking pagkamangha sa damit nang marinig ko ang pagtunog ng aking phone. Binalingan ko ang mesa kung saan ko ipinatong ang phone ko saka ako humakbang palapit doon upang sagutin ang tawag ni Lemuel.

I pressed the green button and the loud song, "Live Like We're Dying" was replaced by Lemuel's soothing voice. "Hey, ready?"

Nilingon kong muli ang salamin at nginitian ang sarili. "Yeah. Doon na lamang tayo magkita?"

"Sure. I'm on my way there. See you, Vi." Pinatay na nito ang tawag at ako naman ay isinilid na ang phone sa pouch bag na aking dadalhin. Bumagay ang itim na kulay nito sa aking suot, ngunit ihahanda ko na ang sarili sa pang-aasar ni Lemuel mamaya. Siguradong sisitahin na naman niya ang suot kong "babaeng-babae" ang dating. Well, I don't really have a certain style. I wear different ensemble, depending on my mood.

Palabas na ako ng gate nang marinig ko ang pagtahol ni Barker nang Makita ako. Sandali akong napahinto sa paglalakad nang mapansin ko ang reaksyon ng aso. His teeth, it was gritting and his ears indicates he's ready to attack. Sa unang pagkakataon ay natakot ako sa kanya. Sinubukan kong tawagin ang kanyang pangalan, ngunit tuluyang nanlaki ang aking mga mata nang Makita ang pagtakbo ni barker.

Horror ran through my veins. Napatakbo ako patungo sa gate at mabilis itong binuksan ngunit sa sobrang kaba ko ay nanginginig ang aking mga kamay. Halos tumalon na palabas ng aking dibdib ang aking puso lalo na nang makitang malapit na akong marating ni Barker. Lumapat ang aking likod sa malamig na bakal na gate, habang pigil ang aking paghinga. Tuluyang sumara ang aking mga mata, hindi na magawang makagalaw mula sa aking pwesto nang bigla akong makarinig ng isang sipol mula sa labas ng gate.

My breathing went heavy. Hinintay ko ang pag-atake sa akin ni Barker ngunit nang muli kong madinig ang sipol na tila nagmumula mismo sa kabilang parte ng gate kung saan nakalapat ang aking likod, nadinig ko ang mahinang pag-iyak ng aso. Naimulat ko ang aking mga mata, at nakita itong nakaupo na sa aking harapan at nakatingin sa gate.

Kumunot ang aking noo dala ng pagtataka. Kumalma ang aso na animo'y hindi niya ako nais lapain kanina. Ngayon ay tutok na ang mga mata nito sa labas habang bakas ang takot sa mga mata.

Sinubukan kong lumunok saka ako lumingon sa labas ng gate. Ganoon na lamang ang aking pagtataka nang may makitang lalakeng naglalakad paalis. Nakabulsa ang mga palad nito at may suot na itim na jacket. He looked like a typical man, but what's on the side of his waist got my attention.

Napakurap ako at sa isang iglap, wala na ang lalakeng sinusundan ko ng tingin. Hinubad ko sandal ang maskarang suot saka ko pinunasan ang namuong pawis sa aking noo habang nagpapabalik-balik ng tingin sa huling pwesto ng lalake at kay Barker.

I'm sure I just saw a man. The same man I think whom tamed Barker.

And that man was carrying a sword on his side.

PAINFULLY FALLING [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon