Chapter 14
Violet
A storm is coming. Malakas ang ihip ng hangin at halos karamihan ng mga estudyante ay nagmamadaling umuwi upang hindi abutan ng ulan, habang ako, abala pa ring magbuklat ng mga librong nahanap ko sa university library.
I can't help but feed my curiosity about what I saw before I passed out. Maging si Lusker ay nadamay na dahil sa ilang araw kong pagbababad sa paghahanap sa kasagutan sa aking isip, hindi niya ako hinayaang mag-isa.
I can tell that he's getting bored when he yawned for the third time before he flicked the pen on his hand. Sandali kong binaba ang malaking librong binabasa at nahihiya siyang tinignan.
"Y—You can go home now. I can manage."
"Nah." Pinasadahan niya ang kanyang itim na buhok ng kanyang palad saka siya matipid na ngumiti. "We still have to go to the secret research together. Alam kong dahil sa curiosity mo, hindi ka tatanggi roon."
Napalunok ako nang mapagtantong nabasa niya ang nasa isip ko. Bumuntong hininga ako at tinuon ang tingin sa ilang larawang na-print out namin kanina mula sa internet saka ko kinuha ang isa at pinakita sa kanya.
"Maybe the Professor can give me answers why I am scared of the head archangel." I uttered.
Lusker took the photo from my hand. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo saka niya ibinaba ang larawan. "I don't know if I should keep on supporting you on this one just to keep you occupied. I don't like seeing you worry too much for your friend."
Si Lemuel. Wala pa ring lead hanggang ngayon kung nasaan na ba siya at nakaka-frustrate na wala man lamang akong maitulong para mahanap siya. I just really wish the cops are doing their job right. Kawawa ang ina ng kaibigan ko.
"Sa totoo lang hindi ko na rin alam ang gagawin." Another sigh escaped my lips. "Maybe I'm going crazy."
Nahipo ko ang pagitan ng aking collarbone nang kumirot na naman ito at bahagyang nalislis ang aking shirt. Natuon naman doon ang tingin ni Lusker. Mayamaya ay nagsalubong ang kanyang mga mata.
"Violet, what happened to that?" Nagtataka niyang tanong.
Kumunot ang aking noo. "With what?"
"Ang balat mo, bakit parang nagkaroon ng pasa?" Aniya saka tinuro ang hinimas kong parte ng aking katawan.
Nagtataka ko siyang tinignan bago ko binuksan ang bag ko upang kunin ang maliit kong salamin. Sinilip ko ang repleksyon ng aking balat at napagtanto ko ang tinutukoy niya.
A bruise. There's a bruise on my skin right between my collarbone. Saan ko nakuha ito?
Binaba ko ang salamin at muli siyang tinignan. "I... I don't know. Ilang araw na itong kumikirot. Hindi ko alam kung saan ko nakuha. Maybe I've eaten something I'm allergic—"
Natigil ang sinasabi ko nang mapansin ko ang peklat sa kanyang balat. Naroon din iyon sa parehong posisyon gaya ng pasa ko.
"Lusker?" I pointed his scar. "How did you get your scar?"
Nagkibit-balikat siya. "I was born with it. Bakit?"
Napaiwas ako ng tingin. Siguro ay nagkataon lamang. Pinaglalaruan lang na naman siguro ako ng kyuryosidad ko.
"Nothing. Iyan kasi ang una kong napansin noong una tayong nagkita." Pilit akong ngumiti. "Anyway, I think I found something I hope the Professor can clarify for me."
Nagpangalumbaba siya habang nakatingin sa aking mga mata. Those eyes. I really feel so drawn to it. Para bang hinihigop ako sa tuwing nagiging ganoon ang titig niya sa akin.
BINABASA MO ANG
PAINFULLY FALLING [BOOK 1]
Fantasía"They said it was a sin, but I still call it love." A fallen who's trying to redeem himself, a girl who was never believed in about the things she'd seen, a guardian who fell for a mortal, and a servant of heaven who chose exile to redeem a fallen...