CHAPTER 7
Violet
The morning light is already kissing the swaying curtain of my room but looks like I'm going to use tons of concealer again today. I hardly got some sleep in the past few days because of what I'd seen last week.
Tinapat ko sa aking mga labi ang pangatlong baso ko ng kape para sa araw na ito. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata nang madama ko ang init nitong humahalik sa aking mukha bago ako sumimsim ng kaunti. The bitter taste of my black coffee eased the dryness my throat feels but it didn't wash away the worry I have in mind.
Malalim akong huminga saka ako bumaling sa aking kama. Sa ibabaw ng magulong kulay abong bedsheet ay nagkalat ang ilang aklat na nakabuklat, mga papel na naglalaman ng ilang articles, at ang aking itim na laptop.
Muli akong bumalik sa kama hindi para magnakaw kahit kaunting tulog bago ako pumasok kung hindi para ipagpatuloy ang paghahanap ng sagot sa bumabagabag sa akin.
Nilapag ko ang tasa sa bedside table katabi ng aking mini apollo lamp saka ko ikinandong ang laptop ko. My eyes stared at the black and white image in the screen for a moment before I proceed on reading the whole article.
Nagpangalumbaba ako habang nakatutok sa aking binabasa at pilit inintindi ang naroon. It was another conspiracy theory about the topic I have been searching for a week now but just like the other articles, I didn't find anything worth believing in on this one.
Ang bawat kwento ay iba-iba. Ang ilan ay nagmula sa kwento sa banal na mga tipan ngunit ang iba ay halatang mga gawa-gawa lamang.
Angels of God. The messenger. Spiritual beings. Michael...
A heavy sigh escaped my lips. None of these articles had helped me prove that what I'd seen was real...if it really was.
Sa huli ay tiniklop ko na lamang ang aking laptop saka ko pabagsak na ihiniga ang sarili sa kama. Hinilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha bago ko tinitigan ang puting kisame. In the first place, why am I even looking for proofs when I am talking about a being that's most people believe came from faith? Siguro nga ay takot lang talaga ako. Takot akong mahusgahan din gaya ng babaeng dinalaw ko sa ospital.
...ang babaeng nakita kong hinalikan ng isang anghel.
Another sigh escaped my lips. "Nahihibang ka na nga rin siguro, Violet." I murmured to myself before I shut my eyes for a quick nap.
"I'll be gone for three days, Vi. Isa ako sa representatives ng school magazine para sa workshop. Do you wanna hang out before I travel tomorrow morning?" Balita ni Lemuel habang tinatahak namin ang daan patungo sa school cafeteria.
Sandali ko siyang tinapunan ng tingin bago ako matipid na ngumiti. Tiniklop ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib saka ako mahinang tumango. "I could really use some fun today," tugon ko.
Lemuel buried his hands on his faded jeans' pockets before he pushed the cafeteria's door with his back. Hinayaan niya akong maunang makapasok bago siya tuluyang sumunod sa akin patungo sa counter.
My tummy growled when the smell of newly baked lasagna lingered in my nose. One thing that I like about Apple Valley University is the food. Although it's a bit pricey, the food is worth spending for.
Tinuro ko ang lasagna, isang saging, at isang box ng non-fat milk. Inayos naman ng babaeng nag-assist ang pagkain ko sa tray saka niya ito ipinasa sa counter para mabayaran. Hinintay kong matapos makapili si Lemuel. Napangisi na lamang ako nang makita ang laman ng tray niya pagtapos. The typical lunch of Lemuel Larsen. Cheeseburger, potato fries, and a bottle of soya milk.
BINABASA MO ANG
PAINFULLY FALLING [BOOK 1]
Fantasy"They said it was a sin, but I still call it love." A fallen who's trying to redeem himself, a girl who was never believed in about the things she'd seen, a guardian who fell for a mortal, and a servant of heaven who chose exile to redeem a fallen...