Chapter 15

6 3 0
                                    

Chapter 15

Violet

My lips were in owe the moment we went inside his apartment. Para sa isang bahay na lalake ang nagmamay-ari, napakalinis nito at tila lahat ay palaging pinananatiling nasa ayos.

The walls were painted with shades of gray and black. Even the couches were gray, so as the carpet. May malaking painting ng world map sa kanang pader, habang ang kaliwa ay mayroong estante na may iba't-ibang pots na nakapatong.

"It's tiny. I know." Tila nahihiya niyang ani bago ako giniya para umupo.

Umiling ako. "This is even bigger than mine actually. Do you live here alone?"

"Uh, yeah. Tho I got an extra room for the boys whenever they come over." Hinubad niya ang kanyang bag at nilapag ito kasama ang bag ko sa ibabaw ng couch bago niya ako sinenyasan. "Tara sa may likod."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Anong gagawin namin doon? Don't tell me backyard gardening ang hobby niya?

I can't help but appreciate his features while he's leading the way. Si Lusker ang tipo ng isang tipikal na lalakeng sasambahin ng mga tipikal na babae. I would lie if I'd say I don't think he's attractive. He has this bad boy aura, especially when he's looking at you with his pair of magnetic eyes. Parang hinihigop palagi ang lakas mo, ngunit pipilitin mong manatiling matatag upang mas matagal mo siyang matitigan.

I never knew what my type was. Siguro ay dahil hindi ko pa naranasan ang mag-nobyo noon. I got so scared that someday, if I will end up with a man like my daddy, magiging madali lang din sa kanyang kalimutan ako sa oras na ako na ang mawala.

I avoided boys even before they could even ask me on a date. Tanging si Lemuel lang ang pinagkatiwalaan ko dahil alam kong kahit kailan, he will never cross the line. Siya pa nga itong madalas mambuyo sa aking magpaligaw na sa mga lalake at baka tumanda raw akong dalaga.

Who would have thought that I'd someday come with a man to his apartment? Ano ba ang mayroon itong si Lusker at parang ang dali niyang kunin ang loob ko?

He pushed the door open. Malakas ang hangin ngunit protektado ng glass wall niya sa likod ang lugar na tinutukoy niya...at magsisinungaling ako kung sasabihin kong inexpect ko ang makikita ko rito.

"Pottery? You're into pottery?" Mangha kong tanong.

Lusker nodded his head. "My mom was obsessed with pots when she's still alive. To be honest, I," he breathed out. Lumambot ang kanyang ekspresyon na tila may naalala. "I never liked it before. Ang dumi kasing tignan. Pero no'ng mawala ang mommy ko, I tried it," nabaling sa akin ang kanyang tingin at gumuhit sa kanyang mga labi ang matipid na ngiti. "And I fell in love with it."

Nilunok ko ang aking sariling laway nang marealize na pareho kaming wala nang ina. Gumanti ako ng ngiti saka ko pinagsalikop ang aking mga palad. "W—Wala na rin akong nanay, pero ang swerte mo." I looked away when I felt the sting feeling claw my heart. "You have found a way to atleast make yourself feel that she's still here."

"I'm sorry. Hindi ko alam." He said in an apologetic manner.

Muli ko siyang tinignan saka ko iniling ang aking ulo. "Don't be. I know my mom is finally at peace now."

Umismid siya at pumakla ang ngiti. "Mine, too. Hindi na siya masasaktan ng tatay ko."

Nagsalubong ang aking kilay sa narinig. "Your dad used to beat her?"

A sharp sigh escaped his lips. Lumakad siya patungo sa isang mesa at kinuha ang dalawang apron na naroon. Sinuot niya ang isa sa aking leeg saka niya ako binigyan ng pekeng ngiti. "Actually, hindi ko siya tinuturing na tatay. May sarili siyang pamilya at naanakan niya lang ang nanay ko. Minsan dinadalaw niya kami para lang gamitin sa pangangailangan niya ang mommy ko pero kapag nanlilimos na ng pagmamahal si mommy, nagsisimula na silang mag-away. Magsusumbatan, masasaktan ang mommy ko, pero kahit kailan, hindi ko nakitang sinuyo siya ng demonyong lalakeng 'yon."

PAINFULLY FALLING [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon