Chapter 16
Maegan
Ilang araw na akong dinadala ni Lilith kung nasaan si Lusker at iyong nobya niya, tila ipinapadama sa akin kung gaano kasaya ang mga ito, at kahit hindi ko aminin kay Lilith, alam kong dama niya ang aking inggit.
Lumandas ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang ang kanyang mga mata ay nakatutok kay Lusker na yakap ang babaeng nakaupo sa pagitan ng kanyang mga hita. Nakaupo ito sa sahig habang siya ay nakaupo sa sofa. Ang babae ay binabasa ang aklat na hawak saka sasabihin kay Lusker ang ilang interesanteng bahagi nito. Magtitinginan ang dalawa, ngingiti, saka nanakawan ni Lusker ng halik ang tungki ng ilong o hindi kaya ang mismong mga labi ng babae.
Kumikirot ang aking puso. Ganito kami noon ni Desmond. Kahit pa ako lamang ang nakakakita sa kanya, at kahit maikling panahon ko lamang siyang nakasama, nadama ko ang pagmamahal niya sa akin.
"Anong napapansin mo sa ilang araw nating pagdalaw sa kanila, Maegan?" Malambing na tanong ni Lilith.
Kumuyom ang aking mga kamao dala ng inggit. "Masaya sila." Malungkot ko siyang tinignan. "Lilith masaya sila. Bakit kasi kailangan pang maging anghel ni Desmond? Kung... Kung pareho kaming tao," muli kong sinulyapan si Lusker at ang babae. "Baka katulad din nila kami."
Humalakhak si Lilith. "Oh, Maegan. How dense can you be?"
Ang aking mga kilay ay nagsalubong sa narinig. "Bakit, Lilith? Tama naman ako, hindi ba? If we're just like them, we can be free to love each other."
Natatawa siyang umiling saka tinupi ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Ano ang napapansin mo sa ibang mga taong nakikita natin araw-araw? I'll give you a hint." She smiled sweetly. "They have their own Desmond." Kinindatan niya ako.
Nanlaki ang aking mga mata at muling napatingin kina Lusker, hindi makapaniwala sa napagtanto. "B—Bakit... Bakit wala silang bantay, Lilith?"
"Because," she played the tip of my hair as a meaningful smirk made its way to her lips. "They aren't like you."
Napalunok ako. "A—Anong ibig mong sabihin?"
"Oh, Maegan." She cupped my cheeks. "They? They are the key for you to free Desmond. Their love will give way for you to have yours..."
Kumislap ang aking mga mata sa balita. Hindi ko naiwasan ang mapangiti habang nagdidiwang ang aking puso. "What should I do, Lilith? How can I free Desmond using them?"
Mahina siyang tumawa. "Oh you just have chill and let them do it for you. All you gotta do is wait for them to make the mistake we all planned, and then viola! Your turn, honey. Maghintay ka lamang at lahat tayo ay magsasaya sa mundong ito...pati na sa kalangitan kapag naghari na ang dapat maghari." She breathed in a dramatic way before she looked over my shoulder. "For now, we have to leave. Narito na ang mga asungot."
Dumagundong ang langit, at bago pa man kami makaalis ni Lilith sa lugar, nagawa ko pang masulyapan ang isang anghel na may maamong mukha...ngunit ang mga mata ay puno ng galit habang nakatitig kay Lilith.
Violet
I giggled softly when I felt Lusker's growing beard brushing on my neck purposely. Kanina niya pa ako dinidistract sa pagbabasa, palibhasa ay halos dalawang oras na ang naigugugol ko sa aklat at hindi siya gaanong pinapansin kaya panay ang agaw niya sa aking atensyon.
"Babe, stop." I tried to push his face away while laughing softly. Parang bata kung maglambing. I didn't see this coming? Kailan pa nagtransform ang nakilala kong maangas at supladong Lusker Dale sa pagiging clingy na lalake?
Right. When we officially became a couple. Hindi ko rin alam kung paano niya ako napasagot nang ganoon kabilis, ngunit sa mga pinapakita niya sa akin, alam kong hindi ako dapat magsisi.
He breathed out heavily in front of my exposed shoulder before he pecked a kiss on my cheek. Mayamaya ay tumayo siya at nakasimangot na nagkamot ng ulo. "Fine. Fine. Igagawa na nga lang kita ng hot choco." Aniya dahilan para matawa ako. Ang tono ba naman niya ay parang batang kinulang sa yakap.
Natatawa akong tumayo at sumunod sa kusina, hindi mapigilan ang pagkurba ng aking mga labi. It's weekend so we get to spend all day together in his apartment. Hindi na muna kami lumabas para maghanap kay Lemuel dahil sa lakas ng ulan. Isa pa, wala pa rin namang balita mula sa mga pulis kaya hindi rin namin alam kung saan dapat maghanap.
Naupo ako sa stool at nilipat ang pahina ng librong binabasa. Ang boyfriend ko ay panay ang sulyap at sa tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin, magpapanggap na nagtatampo kaya hindi ko maiwasang mapailing habang natatawa.
"Not gonna work, babe. This is an interesting book." I said, trying to conceal my laughter.
Ngumisi siya saka nilabas ang box ng hot choco mula sa cabinet bago lumapit sa akin upang ipitin ang tungki ng aking ilong. "Oh come on. Sinabi mo rin 'yan noong nakaraang araw, Vi. Lahat naman yata ng librong konektado sa iniimbestigahan mo, magandang libro para sayo."
Inalis ko ang pagkakaipit niya sa aking ilong saka siya sinimangutan. "I swear this one is really good."
"Ano ba kasing meron 'yan? Ehat is it about this time?" Nagtataka niyang tanong.
"It's about numerology. It says here that angels are communicating to humans by the use of numbers. Most of the time, repeating numbers."
Tumango-tango siya bago naupo sa aking tabi. "Uh hmm, okay, you got my attention. So how?" Kunot ang noo niyang tanong. Napangisi ako. Tignan mo itong taong ito. Minsan gusto niyang pag-usapan namin ang tungkol sa mga anghel, minsan naman ay ayaw.
"Do you know about the famous 11:11? Iyong sinasabing pwede kang humiling kung aksidente mong makikita?"
He shook his head. "No but I usually see 11:11. I didn't know you can make a wish."
"Well actually," I put the book down. "It's not just a time for us to wish. It is a sign that what we are asking for is already in the process of manifesting. Hindi lang limited sa oras na 11:11. Pwede rin sa kahit saan gaya ng house number, plate number, anything that shows that number? It's the angels telling you your wish is on its way."
"Well I guess I'll believe on that one." Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko upang halikan. "Because I kept seeing that number everywhere before I met you."
Namula ang aking pisngi at hindi ko napigilang guluhin ang kanyang buhok dahil sa kilig. "Puro ka na lang bola."
Natatawa niyang hinuli ang isa ko pang kamay. "No babe, I'm serious. Palagi kong nakikita 'yon tsaka..." Nabaling ang tingin niya sa aking damit. Mayamaya'y unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay at tila hindi makapaniwalang tinuro ang damit ko. "Well, that's odd? Kanina mo pa suot 'yan pero ngayon ko lang napansin ang numerong nandyan."
My brows furrowed. Pati ako ay napatingin sa aking damit na may maliliit na numerong 5 sa background ng pinakalogo ng brand.
"I often see that number. Have you read about that already? Does it mean anything, too?" Aniya bago tumayo at nagtungo sa lagayan ng cups.
Muli kong kinuha ang libro at binuklat ang parte kung saan pinaliliwanag ang tungkol sa number five saka ito binasa nang malakas.
"Number five represents changes in life..." Napatingin ako sa aking damit. The number five, it comes in a set of three.
Napalunok ako at hinanap ang ibig sabihin ng tripled number five at nang tuluyan itong mabasa, hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon o may nadama akong pagaspas sa aking likuran.
"Huge life changing events will come in your way soon that will cause massive shifts in your circumstances..." Mahina kong basa bago ko nadama ang kakaibang lamig na animo'y may yumakap sa akin mula sa likod.
Sinubukan kong humugot ng malalim na hininga at binaba ang aklat, ngunit nang lumipat ang pahina pagkalapag ko ng aklat, para akong naestatwa nang makita ang numerong nasa pahina, mas tumindi ang lamig na bumalot sa akin...at isang bulong ang aking nadinig sa aking isipan.
"Poprotektahan kita mula sa lahat...kahit sa kanya."
I shivered, but my heart almost stopped when my eyes landed on a specific line written in the book, as if someone wanted me to know about it.
Do not be scared to walk your way, for an angel is with you.
BINABASA MO ANG
PAINFULLY FALLING [BOOK 1]
Fantasia"They said it was a sin, but I still call it love." A fallen who's trying to redeem himself, a girl who was never believed in about the things she'd seen, a guardian who fell for a mortal, and a servant of heaven who chose exile to redeem a fallen...