Chapter 11

6 3 0
                                    

Chapter Eleven

Gabriel's POV

Umigting ang panga ni Raphael matapos mabasa ang sulat na ginamitan ng dugo. Halatang hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari at sa bawat araw na lumilipas sa mundo ng mga mortal, nagiging mas malala ang mga bagay-bagay para sa amin. Lalo na para kay Raphael na siyang pinaka-naiipit sa mga pangyayari.

Galit niyang nalamukos ang papel saka niya binagsak ang sarili sa mahabang sofa bago niya hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. Ang mga mata niya'y sumara ngunit bakas sa nakakunot niyang noo ang matinding galit at pag-aalala. "They're not gonna stop messing up with his life..."

Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok bago ako naupo sa kanyang tabi. Bukas ang bintana at humahalik sa aking pisngi ang sinag ng papalubog na sinag ng araw dahilan upang kumislap ang aking balat. I'm still wearing my heavenly skin, while Raphael is in his mortal vessel.

Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay na may hawak ng papel saka ko ito ibinuka upang kunin iyon mula sa kanya. Sinubukan niyang higpitan ang hawak sa papel ngunit masuyo kong pinadausdos ang aking palad sa kanyang braso paakyat sa kanyang pisngi. His temper is getting worse. Hindi ko iyon nagugustuhang makita lalo na ngayon. Pakiramdam ko ay kaunti na lang, sasabog na siya sa sobrang galit.

My thumb gently raked his cheek, feeling his human warmth against my palm before I let out a shallow sigh. "Let me see it, Raph." Mahina kong pakiusap.

Umigting ang kanyang panga at ibinaling niya sa akin ang kanyang malamlam na mga matang kung maaari lamang ay ayaw ko na sanang tignan. Ilang siklo na ba ang lumipas? Nawalan na ako ng ganang magbilang ngunit ni minsan, hindi na yata talaga ako nasanay. A part of me longs for the old Raphael. The grumpy but full of life Archangel of heaven. Ngayon ay halos bihira na siyang tumapak sa lugar na iyon. Naigugol na niya ang buhay niya sa mundong ito, abalang bantayan ang kaibigang ni minsan ay hindi niya sinukuan.

Tuluyang sumuko si Raphael at hinayaan akong kunin ang nasa kanyang nakakuyom na palad. Binuklat ko ang papel at binasa ang mensahe. It was written in our own language. It means the demons still use the angelic incantations, tila nang-aasar. Base sa nabasa ko ay halatang hindi talaga sila susuko. Gusto talaga nilang matanggal ang lahat ng seal na nagkukulong sa Cherubim.

Bumagsak ang aking mga balikat. "Not just with his life, Raphael...but of everbody else." Malungkot ko siyang tinignan.

Bumukas ang kanyang mga mata ngunit tumitig lamang ang mga ito sa puting kisame. Ang kanyang panga ay nanatiling nakaigting habang ang kanyang mga kamao ay unti-unting kumuyom. "I know..."

Hindi ito maganda. This is Prime's final mortal life. His last test to redeem himself. Nagtagumpay na siya sa unang anim niyang buhay at ngayong kung kalian huli na, saka pa siya pinakikialamanan ng mga dati naming kasamahan.

Mali. They tried to mess up with his life before, too. They were the reason why he got killed as Abel. They were behind his capture as Daniel. They had caused his great suffering as Job. They never left his side when he was David, Noah, and during his last incarnation as Joseph. Sa kabila ng lahat ng pagsubok sa kanya, nagawa niyang kayanin ang lahat...with the help of Raphael. Hindi man niya nakita si Raphael, naroon ito parati sa kanyang tabi, nilalabanan ang mga demonyong pilit na pinipigilan ang pagbabalik-loob niya sa Ama.

He had proven himself for centuries, and in his final life, looks like the demons won't let this one be any better. Paniguradong mas magiging mahirap din ito para kay Raphael. The longer he stays in the mortal world, the harder it becomes for him to contain his anger over our fallen friends. Alam kong naroroon palagi ang sakit na kalabanin ang mga dating kahawak-kamay nila sa tahanang minsang tinawag nilang perpekto, ngunit alang-alang kay Prime at sa seals, haharapin niya ang mga ito hangga't kaya niya.

PAINFULLY FALLING [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon