Chapter Ten
Violet's POV
"Lemuel, call me once you get this message. And just so you know, I looked for you at the festival. Anong nangyari sayo at dalawang araw ka nang hindi nagpapakita?" I slammed my locker's door before I released a heavy sigh. Kumuyom ang aking kamao habang pinipigilan ang sariling usigin ng pag-aalala. Hindi naman lumilipas ang maghapong hindi niya ako pinapadalhan kahit text man lang kaya hindi ako mapakali.
Umayos ako ng tindig bago muling nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "Whatever you're up to, hindi nakakatuwa, okay? Just...just call me, please? I'm worried."
"Are you?"
Napasinghap ako nang sa pagtalikod ko sa locker ay naroon na ang taong tinatawagan ko. Magulo ang kanyang buhok at malamlam ang kanyang mga mata ngunit nakaguhit ang isang makahulugang ngisi sa kanyang mga labi. Something is wrong with him. Hindi naman ito pabaya sa sarili.
Naibaba ko sa tapat ng aking dibdib ang aking phone saka ako bumuga ng hangin. "Geez. You'll give me a heart attack." Inayos ko ang strap ng aking bag at sinabayan na siyang maglakad patungo sa susunod na klase. "Anong nangyari sayo at bakit ganyan ang itsura mo?" Hindi ko maiwasang punahin ang kanyang itsura.
Lemuel brushed his fingers on his tousled hair. Ibinulsa niya ang kanyang mga palad sa kanyang magkabilang bulsa saka ako tinaasan ng isang kilay. "Had a rocking weekend, babe." Humalakhak ito nang mahina.
Kumunot ang aking noo. "What did you call me?"
Natigil siya sa paghalakhak. Huminto siya sa paglalakad at bigla na lamang hinawakan ang magkabila kong balikat pagkatapos ay mahinang niyugyog. Naroon pa rin ang ngisi sa labi niya, mas lumawak nga lang habang nakatitig siya sa akin na takang-taka. "Oh, come on, Violet. We're friends, right?" Kinurot niya ang aking pisngi bago ako inakbayan saka siya nag simulang maglakad.
Hindi ko maiwasang manibago. May kakaiba talaga sa kanya sa araw na ito at hindi ko alam kung nagugustuhan koi yon kahit panay ang reklamo ko sa pag-uugali niya. Lalo pa akong nagtaka nang kindatan niya ang ilang babaeng nadaanan naming habang ang iba ay sinisipulan niya. Something is definitely not right here. My bestfriend isn't a maniac nor a playboy type.
"W—What is wrong with you today, Lem?" Sinubukan ko siyang pahintuin sa paglalakad saka ko inalis ang pagkakaakbay niya.
"Nothing." He shrugged. "Masaya lang ako at mukhang sinusuyo ka na ni Lusker."
Nanlaki ang aking mga mata at nahihiya akong napalinga sa paligid, takot na baka may makarinig sa kanya. "Saan mo naman narinig 'yan?!" Pabulong ngunit mariin kong tanong.
Muli niya akong inakbayan saka niya ako kinaladkad para maglakad. "He kissed you during the festival, right?"
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "P—Papaano mo nalaman 'yan."
Mahina siyang humalakhak saka niya tinapat ang mga labi niya sa aking tainga. "I got eyes everywhere..."
Tuluyan na akong napabuga ng hangin. "Look, Lem. If it's because I didn't tell you that he's planning to pursue me, I'm sorry. Alright? Hindi pa naman iyon sigurado." Halos ibulong ko na sa hiya ang mga huling salita.
"Nope. I'm actually happy for you at wala sa akin na hindi mo sinabi. Eventually, malalaman ko rin naman." Kalmado niyang ani na walang bahid ng pagiging sarkastiko. Nakakapanibago.
Nagtataka ko siyang tiningala habang ang aking mga kilay ay magkasalubong. "Are you sure you're okay?"
Tumaas ang isa niyang kilay. "Why wouldn't I be okay? You're now dating Lusker. At last. Took forever for this to happen."
BINABASA MO ANG
PAINFULLY FALLING [BOOK 1]
Fantasy"They said it was a sin, but I still call it love." A fallen who's trying to redeem himself, a girl who was never believed in about the things she'd seen, a guardian who fell for a mortal, and a servant of heaven who chose exile to redeem a fallen...