Ezra Light Zellton
di man natuloy ang date namin ni zailen, napasaya naman niya ang araw ko.
tinitignan ko lang siya habang binabanlawan ang mga damit na kakatapos lang niyang kusutin ang cute nga eh, naka ilang kuha narin ako ng litrato sa kanya.
ng e send ko ito kina jannah grabe ang tawa nila mga loka loka talaga.
nakakahiya rin dahil nakita niya ang mga undies ko, tinotukso pa nga ako, animal talaga, kung wala lang akong sakit, sinapak ko na ito.
"baby tapos na" saad nito
"isampay mo na yan, gamitan mo nitong hanger at yung mga kumot naman dun banda mo isampay" saad ko rito
pero lumapit ito sakin.
"ano gusto mo?" tanong ko rito
"pang palakas" ngiti nito at ngumoso
napatawa naman ako at binigyan ng halik sa pisngi at labi.
ng matapos siyang mag sampay, grabe ang pawis niya kaya pinunasan ko at pumasok na kami at umupo sa sala.
"may gagawin paba?" tanong nito
"meron pa kuya" singit ng kapatid ko dahilan para pandilatan ko ng mata
"ano? gagawin ko na" saad nito
"tumigil ka nga bisita ka kaya mag pahinga ka nalang" suway ko rito
"gusto ko pa eh" saad nito
"mag luto po kuya" saad ni clark
na dali na.
"sige ba, nasan ang kusina ako na mag luluto" saad nito
di ko naman siya mapigilan kaya go nalang.
sopas at adobo ang niluto niya, pinakain niya naman ako pati na si clark matapos non bumalik kaming kwarto para makapag pahinga na ako, malapit naring mag gabi.
"umuwi kana kaya, malapit ng mag gabi oh" saad ko rito
"didito muna ako, para naman mabantayan kita" saad nito
"ang bait talaga ng hari ko" saad ko, tinapik ko ang tabi ko at humiga siya.
niyakap niya ako at ganon rin ang ginawa ko.
"i love you" saad ko
"i love you too" balik nito
nag yakapan lang kami hanggang sa unti unti na akong dinalaw ng antok.
~.~
ilang araw na ang lumipas matapos ng mag kasakit ako at alagaan ako ni zailen, mga 2 araw na ata at ngayon ay tuloy na talaga ang date namin.
"san mo gusto?" tanong nito
"ihinto mo" saad ko at inihinto naman niya ang sasakyan
nakakita kasi ako ng street food, natatakam ako.
"ano gagawin natin rito?" takang tanong nito.
"street food" maikling saad ko at pumunta patungong bintahan ng fish ball, tempura at iba pa.
mga babies ko, na miss ko kayo!
"kuya isang tempura po at fish ball" saad ko
"ikaw na ang kumuha hija para rin makapili ka" saad ni kuya na nag bibinta
kumuha naman ako at sinaw saw sa saw sawan, napatingin naman ako sa katabi ko na parang di na maipinta ang mukha.
"bakit ganyan ka makatingin? gusto mo?" tanong ko rito pero umiling iling lang ito
YOU ARE READING
Ms. Wattpader gone Bad?!
Fiksi RemajaEzra Light Zellton not totally addicted in reading wattpad, but obsessed in writing. But accidentally her Wattpad got deleted na naging dahilan para maging baliw siya kakahanap sa nag bura nito. but what if yung akala niyang binura ay di pala?