Chapter 34

10 2 0
                                    

               Ezra Light Zellton

nakauwi ako sa bahay ng puno ng katanungan ang isipan at durog na durog ang puso.

sa lahat ng pwedeng haraping problema bakit ngayon pa kung kailan akala ko okay na.

"anak bat ganyan itsura mo?" bungad na tanong ni mama ng makapasok ako

tinignan ko naman siya.

"ma?" tawag ko rito

"bakit? may problema ba?" alalang tanong nito

"asan nga si papa?" tanong ko rito

sana naman di ka mag sisinungaling ma.

"ano bang klasing tanong yan anak, diba nga nasa iabng bansa" tawa nitong sagot

tumawa naman ako ng mapakla na ikinatingin niya sakin.

"ma naman, wag na po kayong mag sinungaling" iyak kung saad rito

"mag sinungaling? ano bang ibig mong sabihin bata ka?" tanong nito sakin

"alam ko na, kung hindi ko nakilala ang pamilya ni zailen di ko malalaman ang totoo! ma kailan pa? kailan pa tayo iniwan ni papa? akala ko noon nasa ibang bansa siya pero sa nakita ko kanina lang nangibang bahay pala! ikaw ba ang legal o ang ina ni zailen?" sigaw kung tanong rito, kita ko ang gulat sa mukha niya

"ibig sabihin?..." gulo niyang tanong

"oo ma, ang ama ni zailen na ang boyfriend ko ay ang ama ko, ang gago! ang galing ni tadhana tapos nag sinungaling pa kayo" saad ko rito habang umiiyak niyakap naman niya ako

"sorry anak, sorry kung hindi ko sinabi" nanghihinging paumanhin nito

anong magagawa ko kung tapos na.

"gusto kung maliwanagan sa lahat ma, kaya kung pwede lang walang halong kasinungalingan ipaliwanag at sabihin mo sakin ang lahat" nag susumamo kung saad rito

"7 years old ka palang ng malaman kung may anak siya sa iba, tayo naman ang legal pero pinili niya sila, nag paraya ako anak, ayaw kung masaktan kayo, nag susustento pa naman siya, at yung tuwing umuuwi siya ay  napag kasunduan lang namin yun para di kayo mag hinala, ayaw kung mag sinungaling anak pero kailangan" iyak na paliwanag ni mama

nag iyakan kami hanggang  napagod na kami sa kakaiyak at mag situlog na.

hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero mas mabuti kung mag pakalayo layo muna kami nina mama kailangan ko rin ng space alam ko naman na pupunta sila rito pero diko pa kayang harapin sila.

masakit pa.

ang swerte nga nila zailen eh kasi may marangya silang buhay habang kami patuloy na nag hihirap.

it wasn't i who gone bad but also everything gone bad not just me but all my life.

maybe how it start it is how it ends.

~.~

tatlong araw na ang lumipas ng malaman ko ang totoo, sa tatlong araw na yun nakabayad na sa loan shark at nakalipat na kami nina mama ng matitirhan at dahil yun sa tulong ni riss.

nag home study mo na ako at nag tratrabaho parin dun sa pinag tratrabahuan ko, alam narin nila lissy ang nangyari di naman nila pinaalam kay zailen kung nasan kami kaya okay lang.

balita naman nila kay zailen bumalik na raw ito sa tagaytay.

sinubukan naman niya akong hanapin kasama si papa, pero pinag sabihan sila na kailangan namin ng sapce.

pumunta naman si zailen sa trabaho ko at buti nalang nakapag tago ako, mas mabuting umiwas muna.

masakit parin kasi, di ko naman alam kung ano ang sasabihin ko pag nag kita kami.

ang weird rin kasi yung baby at my king at my queen ang tawagan namin pero mapapalitan ito ng kuya at bunso, ang sakit!

at ngayon nasa condo lang ako nanunuod ng t.v kasama sina lissy.

"so ano bess? kailan mo balak mag pakita?" tanong ni jannah

"ewan ko" walang gana kung sagot

"di ko talaga akalaing hahantong kayo sa ganon pang family stroke lang" saad ni lissy

"mapaglaro kasi si tadhana" saad ko

"don't worry girl nandito lang kami at di ka namin iiwan makakamove on karin" saad ni lissy

makakamove on pa kaya ako?

ang daling sabihin pero mahirap gawin.

Ms. Wattpader gone Bad?!Where stories live. Discover now