Chapter 10

26 1 0
                                    

POV
Ezra Light Zellton

"seryoso ba talaga kayo, na susuotin ko ito? di kaya parang kinulang naman ata ako sa tela nito" komento ko sa damit na pinapasuot nila sakin nina lissy

kanina pa tapos ang klase at ngayon ay nasa bahay kami nina jannah, para mag palit, pero sila pa ang naka pag palit.

"bess naman, suotin mo kaya, para malaman mo ang kaibahan ng sexy at sa kinulang ng tela" sushento ni jannah

Its a black night dress na spaghitte ang itaas at yong tela ay bulak lakin, na fitted sa waist ko tapos obove the knee pa, kanina rin kinulayan ang kulot kong buhok ng gray pero may nakikita paring black.

tapos kay lissy, red dress na off shoulder, above the knee rin, pero bagay sa kanya, maganda nga eh, yung kulay ng buhok niya, ay may halong red tas binuhaghag lang niya.

kay jannah naman, isang palda at croptop na sando na fitted sa katawan niya, color pink, na may halong dark, messy bun hair at boots, na bagay na bagay sa kanya, kahit kita na ang waist niya, she look sexy.

"eh baka manyakin ako nito" saad ko ulit

"baliw! baka ikaw nga ang mangmangyak eh" tas nag sitawanan silang dalawa

"ang bad niyo" maktol ko

"suotin mona kasi, ma lalate na tayo" saad ni jannah at tinulak ako sa cr.

napatingin naman ako sa salamin, tama bang sumama ako?

sana walang mangyaring masama.

maingat kung isinuot ang dress at lumabas rin ng matapos na, di na ako nag abalang dignan sa salamin ang sarili ko feel ko kasi parang ang laswa ko.

"tapos na" saad ko sa dalawa

"o my!" komento ni lissy

"perfect" saad ni jannah

"perfect ka diyan, so ano na, okay lang ba ito, o baka naman ang laswa ko ng tignan?" tanong ko sa dalawa

"anong malaswa tumingin ka nga sa salamin at makikita mo ang hinahanap mo" saad ni lissy at kinalagkad nila akong dalawa sa harap ng salamin.

totoo nga, masasabi kong bagay sakin, mas lalong lutaw ang pag ka puti ko dahil sa itim na damit na ito.

"ang ganda mo bess" komento ni lissy

"pero may kulang" saad ni jannah na ikinakunot ng noo ko

"ano?" tanong ko

"yung mukha mo, harap ka sakin bess, make up-pan kita" saad ni jannah na ikinailing ko

"wag kang maarte, bakla, harap na" saad ni lissy

"teka lang, ako nalang, baka maging clown pa ako sa inyo eh" saad ko sabay kuha sa make up kit ni jannah

kaunting foundation lang ang nilagay ko at red lipstick, in short light make up lang nilagay ko, yung normal lang, parang sa school lang.

"much better, know let's go" saad ni jannah at sabay na kaming lumabas.

"oh alis na kayo?" tanong ni tita

"no mom, mag lilibot pa kami sa bahay" tinapik ko naman si jannah dahil sa sarcastic na sagot nito kay tita

"ah ganon ba" sangayon ni tita

napatampal nalang ako sa noo ko, ang slow mo talaga tita, si lissy naman ay nag pipigil tawa.

"di po tita nag bibiro lang si jannah, aalis na po talaga kami" saad ko

"o siya sige, mag ingat kayo, ang gaganda niyo ngayon girls" komento ni tita at iniwan na kami sa sala

Ms. Wattpader gone Bad?!Where stories live. Discover now