Ezra Light Zellton
minulat ko ang mga mata ko at nagulat nalang ako na nasa isang bahay ako pero kung titigang mabuti, mula sa mamahaling gamit at kalakihang espasyo nito ay isa itong mansiyon.
bakit ako nandito?
akala ko ba nasagasaan ako?
"light laro naman tayo" napatingin naman ako sa likuran ko ng may mag salita
napatingin naman ako sa dalawang batang kaharap ko.
"ano naman ang lalaruin natin stan?" tanong ng batang ako
bakit ganon? nasan ba ako?
napatingin naman ako sa batang lalaki, gulat nalaman akong napatingin rito si zailen ito, hindi ako nag kakamali dahil minsan ko ng nakita ang mukha niya nong bata pa siya sa litrato ng cellphone niya.
"tago taguan" sagot ni zailen
bakit ko ba nakikita ang ganito?
bakit di nila ako nakikita?
*cru*cru
napatingin naman ako sa batang ako ng biglang tumunod ang tiyan niya at nahihiyang tumawa.
"hahaha, mamaya na tayo mag laro kain muna tayo, gutom na ang princess light ko" natatawang saad ni zailen
sinundan ko naman silang dalawa patungong kusina pero biglang nag iba ang paligid.
nasa isang rseturant ako.
"bakit naman ako narito?" tanong ko sa kawalan
agad naman akong napatingin sa dalawang batang dumaan sa harap ko at ako yung batang babae at si zailen yung lalaki.
agad ko silang sinundan at bigla naman silang huminto at nag tago sa gilid ng pader at palihim na tumingin sa unahan kaya tumingin ako roon.
nagulat ako ng makita ko si papa at mama ni zailen.
"mama?" napatingin naman ako sa gawi ni zailen
"bakit kilala ng papa ko mama mo?" tanong ng batang ako sa batang zailen
"ewan ko" sagot ni zailen at nakinig ulit
"anak mo siya" saad ng mama ni zailen
"may pamilya na ako bitris kaya tigilan mo ako ginamit mo pa talaga ang anak mong si zailen" saad ni papa sa mama ni zailen
anong ibig sabihin nito?
"totoo ang sinasabi ko hindi ako manggagamit, anak mo siya kaya sana tanggapin mo ang katutuhanan" saad ni tita
"wala na akong oras makipag lukuhan bitris" saad ni papa at umalis na
"ibig bang sabihin nito mag kapatid tayo?" napatingin naman ako sa batang ako na umiiyak
"hindi, hindi yun totoo, baka mali lang ang narinig natin prinsisa ko, hindi pwedeng mag kapatid tayo kasi diba nangako tayo sa isa't isa na pag laki natin mag papakasal tayo" saad ng lalaking zailen
napaiyak naman ako?
hindi ko alam pero alam kung totoo ito, ito'y parti ng alaala ko ng 7 years old palang ako, pano ko nagawang kalimutan ang ganitong bagay?
"bitris?" napatingin naman ako sa gawi ni tita at sa lalaking kakarating lang
"anong ginagawa mo rito arnold?" tanong ni tita sa lalaki
"gusto ko lang makita ang anak ko, si harold at pati na ang bunso" saad ng arnold kuno
ano nanaman ito?
"wala kanag karapatan sa anak mo arnold sinabi ko na kay jace na anak niya si stan" saad ni tita na mas lalong ikinagulat ko
"pano mo nagawa to, anak ko silang dalawa may karapatan ako, ano bang mali sakin, kaya ko naman kayong buhayin" saad ni arnold
"kaya? mahirap kalang, at isa pa alam ko namang di ka gusto nina mama" sigaw ni tita
malalagot ka talaga sakin tita.
"akala ko ba mahal mo ako?" iyak na saad ng lalaki
"noon yun pero hindi na ngayon" saad ni tita
"stan!" napatingin naman ako sa bantang ako ng isigaw niya ang pangal ni zailen
napatingin ako sa gawi nila, tumakbo papalayo si zailen habang umiiyak at sinundan naman ito ng batang ako.
kaya takbo ko rin silang sinundad ng makarating sila sa highway ay bigla silang napatigil ng may isang van na tumigil sa harap nila at biglang may lumabas na mga lalaking nakaitim at ipinasok sila sa loob ng van.
bigalang umiba ang lugar at ngayon ay nasa kagubatan ako.
"tumakbo kana light!" napatingin ako sa likuran ko at nakita ang batang si zailen na may tama ng baril sa paa habang ang batang ako ay pilit siyang inilalayan
alam ko ang nagyari rito minsan ko na itong napanaginipan.
dahil sa pag kidnapped samin ay gumawa kami ng plano para makatakas hanggang sa humantong sa ganito
BANG!
"no!" sigaw ng batang ako at pati ako at sumisigaw na rin
nabaril si zailen at yung ulo niya ay tumama sa bato habang ako walang magawa kundi tumakbo upang humingi ng tulong.
naalala ko na!
lahat! naaalala ko na.
"ahh!" napatingin ako sa batang ako
nadulas siya sa kakadaling tumakbo at nag bagulong gulong hanggang sa tumama ang ulo niya sa puno at gumulong uli at tumama sa bato.
napaiyak nalang ako, ngayon alam ko na.
at masaya akong nalaman ko lahat.
ibig sabihin di kami mag kapatid ni zailen.
pero pano kung patay na ako?
si zailen?
bigla nalang nangdilim ang paningin ko at iminulat agad ang mga mata ko.
lahat ay puti ang nakikita ko tumingin ako sa gilid ko nasa hospital ako.
naalala ko naman ang mga alaala minsan ng nawala sakin.
hina man ang katawan ay tumayo ako at pinag tatanggal ang mga nakakabit sakin na mga wire o ano paman ito.
kailangan kung makita si zailen.
kailangan niyang malaman ang totoo.
lumabas ako sa kwarto ko ng walang nakakaalam agad akong sumakay ng elevator para makababa.
pero saan ko siya hahanapin?
ng makababa ako dali dali akong lumabas sa hospital at pumara ng taxi.
"kuya anong pitsa napo?" tanong ko sa driver
"june** 2020 po ma'am" gulat naman akong napatingin sa kanya
ibig sabihin 3 araw akong tulog, kaya saan ko mahahanap si zailen, kung tatlong araw ng nakakalipas.
hindi ko alam kung buhay paba siya o ano?
'ang daya mo tadhana, kung kailan alam ko na lahat saka mo naman ginanito ang sitwasiyon' saad ko saking isipan
"ma'am san nga po pala kayo?" tanong ni kuya
e report ko kaya sa pulis?
YOU ARE READING
Ms. Wattpader gone Bad?!
Novela JuvenilEzra Light Zellton not totally addicted in reading wattpad, but obsessed in writing. But accidentally her Wattpad got deleted na naging dahilan para maging baliw siya kakahanap sa nag bura nito. but what if yung akala niyang binura ay di pala?