C H A P T E R 22

92 3 0
                                    




It's Saturday and I decided not to go to the company, but I will work here in our house.




Kasalukuyan akong nag kakape sa labas ng bahay kaharap ang laptop ko, si Venice ay nasa loob, kasama ang family doctor namin at ang OB.





Kanina pa lang ay sinasabi niya na kung gaano siya kinakabahan, ito ang magiging first ever check up niya simula nang malaman niya na buntis siya, kaya hindi ko siya masisi kung kinakabahan siya.





Sa loob loob ko, gusto ko rin mag karoon ng anak pero masyado pa akong bata, marami pa akong pangarap at responsibilidad sa buhay, kaya isinantabi ko nalang ang isipin na iyun, bagkus ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pag tatrabaho.




"Wow sobrang busy naman ng CEO ko," Mom sat gracefully infront of me.





"Natutuwa ako kay Venice, she's very nervous," mahina siyang humalakhak at tumingin sa akin.





Kumunot naman ang noo ko, bakit kaya andito ito ng ganito ka aga? Kadalasan ay ginagawa niya ang morning routines niya at hindi muna bumababa.





"Don't look at me like that Faitheya, of course I get up early and skipped my routine to entertain our doctor, at para narin maalalayan si Venice," matamis akong ngumiti kay Mommy at laking pasasalamat na itinuturing niya rin na anak ang kaibigan ko.





"Now I'm so excited! Ikaw kailan kaya?!"




"Mom! Syempre matagal pa no!" Umirap ako at hindi na siya pinansin, hays sabi na eh, mangungulit nanaman siya tungkol doon.





"Aedrix and you look good together," tumawa ulit siya habang matalim na ang tingin ko sa kaniya.





Mommy, parang bata. Umiling iling ako at itinuon na ang atensyon sa trabaho.





"Nagagalit ka sa taong wala namang ginagawa sayo," ngayon siya naman ang umirap.





Napa tigil ako sa ginagawa ko, wala kang alam Mommy, you don't know how he hurts me. Siguro kapag nalaman mo, baka ikaw mismo ang mag sumpa sa kaniya.





"How's the check up?" Naupo ako sa tabi ni Venice, hinatid na ni Mommy si Doc at may pinag uusapan din sila.





"My baby is healthy, thanks God!" She acted like she's praying, she turned to me and hug me tightly. Natawa ako sa ikinilos niya.





"Thankyou so much Faith, sa pamilya mo, hayst hindi ako mananawa na mag pasalamat sa inyo," ngumiti ako.





"You're always welcome," pumasok si Mommy sa salas at naupo sa couch.





"Faith hija, why don't you come with her? Isang linggo lang naman and you can take it as a vacation, what do you think?" Mabilis na sumang-ayon si Venice. Sounds tempting....





"May trabaho ako Mommy, Mag papaalam muna ako kay Daddy, at baka kailanganin din ako sa kompanya,"





"Don't stress yourself too much, dapat ay nag eenjoy ka, basta sumama ka kay Venice sa L.A, ako na ang bahala sa lahat, I will settle all,"





"I guess I have no choice?" Ngumisi ako at tumingin sa dalawa na desidido akong umalis.






Halos hindi ko na nagawa ang trabaho ko dahil sa pangungulit ng dalawa, mabilis na pumayag si Daddy kaya inayos ko na rin ang mga gamit ko, sa monday na kasi aalis.





RUINED HEART(Company series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon