Entry #3

162 7 0
                                    

To you who came from the stars,

I know it's weird, but up until now, I've always considered you as an alien. 

Someone out of this world.

Someone unreachable.

Someone whose even existence is not yet proven.

I think you can consider this as a letter of confession. Something that may be considered too late to be significant or to even make sense. But I'm writing it anyway, hoping it will reach you someday somehow.

Hindi ko alam kung paano magconfess. Sabi ni Kotoko, ibigay mo ang sulat sa harap ng gate ng school nang hindi iniisip ang kahihiyan. Sabi ni Young Shin, ikwento mo na lang sa hoobae mo, malay mo isang tao lang pala sila ng crush mo.

Pero alam kong hindi ako nabubuhay sa loob ng mundo nila at kailangan ko 'tong gawin nang walang tulong nila.

So idadaan ko na lang sa sulat na ito lahat ng gusto kong sabihin sa'yo. Sa totoo lang, 9 na letra lang naman ang tinutukoy ng "lahat" na yun eh : 

MAHAL KITA.

Hindi yan typo.

Oo matagal na.

Hindi yan post sa facebook na pwede kong idahilan na na-hack lang ang account ko.

Oo hindi ko lang masabi sayo.

Ang tagal ko ring itinago ang nararamdaman ko. Kaya siguro lagi na lang akong may second lead syndrome. Kasi, alam ko ang pakiramdam na gusto mo ang isang tao pero hindi mo masabi sa kanya.

Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman 'to. Nung unang beses na nakipag-usap ka sa akin kahit di ka naman nakikipag-usap sa iba? Nung nalaman ko na magkatulad tayong mahilig manood ng anime? Nung nalaman ko na matalino at talented ka?

Baka nung mga sandali na inoffer mo yung kamay mo sa akin. Nung mga sandaling yun, ang tumatakbo lang sa isip ko "woah, totoo pala yun? Akala ko gawa-gawa lang yun ng mga shoujo manga para sa kilig effect. Siguro nga alien ka. Ikaw lang kasi ang nag-iisang tao na nakapagpaniwala sa akin sa "kuryente effect" mula sa hawak ng isang tao."

Ewan. Baka. Hindi ko alam.

Sa totoo lang, di ko naman kailangang malaman kung kailan. Di ko rin kailangang malaman kung bakit. Basta masabi ko sayo na eto ang nararamdaman ko.

...
...
...

I don't know how many light years this letter would have to travel to finally reach you. But when that time comes that you happen to read this letter, I hope you would realize that this one's for you.

From,

12/0

Dear Heart, Letters.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon