Entry #7

126 5 0
                                    

Pamilya.

Pamilya, para sa akin ay binubuo ng magulang at anak sa iisang tahanan. Kung saan sila ay Masaya, nagmamahalan at napakalapit sa isa’t-isa.

Gusto ko sana maging maayos ang pamilya ko. Nakakapagod na din kasi yung araw-araw may away, araw-araw may gulo, araw-araw maingay. Gusto ko sana maging tahimik naman at masaya kahit isang beses lang. Minsan gusto ko ng umalis kasi napapagod nako. Kaso mahal ko ang pamilya ko, kahit naman sinong anak ay hindi matitiis ang magulang. Minsan kapag nasasabihan ako ng masama, at kung minsan ay npapagalitan aq, ay naiiyak ako, kinikimkim ko kasi hindi naman kami yung pamilya na close na close. Pero naiintindihan ko naman yung pinapagalitan nila ako kasi tinatama lang naman nila ako. Pero hindi ko naman maiwasan na maghinanakit dahil sa tingin ko ako lang yung lagi nilang nakikita na mali, ang mga kapatid ko hindi nila pinapagalitan. Tapos ni hindi nila nakikita yung mga efforts ko kaya naiisip ko minsan, “Ampon ba ako?” kasi sa pagtrato nila sakin parang hindi nmn nila aq anak. Kaya malayo ang loob ko sa kanila.  Lagi ko sinasabi sa sarili ko, “bakit ako na lang lagi? Bakit sila hindi? Napaka-unfair naman”.  

Gusto ko sana ung tipong nakakapag share ka ng hinanakit mo o anumang saloobin sa mga magulang mo. Minsan naiinggit ako sa ibang tao lalo na kapag nakikita ko na napakalapit nila  sa bawat isa. Hindi ko maiwasan na hindi umiyak kapag nasa ganoon akong sitwasyon.  Gusto ko lang sana sabihin na salamat kasi kung wala sila, wala rin ako ditto. Kahit naman madami akong sama ng loob sa pamilya ko, mahal na mahal ko pa din sila. 

Salamat dahil sa contest na ito kahit papano, nailabas ko kahit kaunti ang sama ng loob ko. Salamat. 

From: UnknownGirl.

Dear Heart, Letters.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon