[ Paano Kung…]
May mga bagay na sadyang hindi nararapat na mangyari.
‘Yung tipong akala mo pwede na, pero hindi pa pala.
‘Yung mga pagkakataong nandoon na pero nawala pa.
‘Yung napaka-perpekto na ng timing pero bigla pang nasira.
At ‘yung tipong masasabi mo na lang sa sarili mo na, ‘sayang talaga’.
Nakakainis lang kasi akala ko talaga pwede na. Akala ko may chance na kami. Pero tulad nga ng isang kasabihan, "I loved him at the wrong time".
***
"Hi CJ!" masayang bati sa akin ni Harvey. Napangiti na lang ako sabay bati rin sa kanya. Siya nga pala si Harvey, ‘yung crush ko. Bagong lipat lang siya at ang pinagtataka ko lang ay kung bakit niya naisipang lumipat, e huling taon na rin namin sa elementarya.
Hindi niya alam na gusto ko siya. Ayaw ko sanang ipaalam sa kahit na sino pati kina Danica kasi paniguradong aasarin lang ako ng mga ‘yon. Kaso dahil sa buwiset na truth or dare namin noong minsan, nasabi ko nang wala sa oras.
"Cassie! Huy! Sino na naman ‘yang tumatakbo d’yan sa utak mo ha?" tanong sa akin ni Danica. Napaharap naman ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya na akala mo may iniisip na kababalaghan.
"Harveeeeey! P-mmmmm." hindi na niya naituloy ‘yung sinasabi niya kasi tinakpan ko agad ‘yung bibig niya. Alam ko na ugali nito.
"Bakit?" tanong naman ni Harvey na parang nagtataka. Sht. Narinig niya pala.
"Ah-eh ano wala wala. Manghi-hiram lang daw siya ng assignment kaya sabi ko sa akin na lang." palusot ko naman. Napakibit-balikat lang siya at itinuloy na ang pagsusulat. Wew.
Hinila ko naman kaagad palabas si Danica para masabunutan. Ganito talaga ‘tong babaeng ‘to, pinapahamak ako palagi. Minsan naman kapag ngumiti sa akin si Harvey, halos matanggal ‘yung kamay ko sa kakahigit nila samantalang ako naman kunwari hindi ko na lang sila pinapansin.
Baka naman sila ‘yung may gusto talaga kay Harvey?
***
Nakaupo ako sa may malapit sa gate at hinihintay ‘yung sundo namin. Dahil wala akong magawa pinananood ko na lang ‘yung mga kinder na nagpa-patintero. Nakakamiss tuloy maging kinder. Hanggang sa biglang may lumapit sa akin.
"Ate crush ka pala ni Kuya Harvey," sabi ni Nicole. Kaibigan ko na kaklase ng kapatid ko. Matanda ako ng isang taon sa kanya. Pagkasabi niya no’n, napatingin ako sa kanya.
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Saan mo naman nakuha ‘yang balitang ‘yan?" tanong ko na parang hindi makapaniwala. Ako crush ni Harvey? Imposible.
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Letters.
RomanceDear Heart, Letters. What's your heart desires? Your feelings? Your emotions? Write it down and Send us your letter. P.S. Read the following contents to know more about DHL.