Entry #17

214 12 2
                                    

Dear Mr. Ulap,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan itong liham ko para sa'yo. Alam ko na medyo corny na itong ginagawa ko pero sa tingin ko kasi, e ito ang pinaka-best way para masabi ko sa'yo kung gaano kita nagustuhan. Oo, ako na mismo ang magsasabi sa'yo na gusto kita. Hindi ko alam kung kailan, paano at saan ito nagsimula. Basta naramdaman ko na lang ito para sa'yo.

Naalala ko pa nga noong una kitang nakita. Nakasandal ka noon sa isang puno sa may likod ng school natin. 'Yong una, akala ko walang nakaupo doon kaya naupo ako. Siguro, masyado lang talaga akong inaantok no'n kaya kita hindi napansin. Kaya ayan tuloy, dahil sa antok ko, napasandal ako sa balikat mo. Pero sandali lang 'yon kasi tumayo agad ako at tinignan kita. Akala ko nga magagalit ka pero paano ka kaya magagalit kung tulog ka naman? Oo tulog ka no'n at napansin ko na ang haba ng pilik mata mo kasi nakapikit ka. Nagmukha ka tuloy babae.

Pinagmamasdan kita habang natutulog ka. Alam kong medyo creepy pero kahit anong gawin ko sa mata ko ay parang nakaglue lang siya sa'yo. Huwag kang mag-assume na gwapo ka kasi hindi ka naman talaga gwapo. Masyadong mataas ang salitang gwapo para sa'yo. Sadyang ma-appeal ka lang talaga.

Noong oras na 'yon ay alam ko na sa sarili ko na crush na kita. Pero hindi ibig sabihin na crush kita ay ikaw lang ang hinahangahan ko. Katulad ng ibang teenager, marami rin akong nagiging crush. Magmula sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa. Kahit sa libro ay nagkakaroon din ako ng mga crush. Pero never akong nagkaroon ng crush na naging schoolmates ko o classmates ko. Sa school kasi natin, halos wala akong makitang may itsura. Iyong iba, okay lang pero hindi pumapasa sa crush standard ko. Para kasi silang pabalik-balik na sinagasaan ng truck. Hindi ako nagsisinungaling kasi totoo 'yon hanggang sa makita kita.

Doon ko lang narealize na may matino rin palang estudyante sa school natin at iyon ay ikaw. Ikaw lang ang lalaking pumasa sa crush standard ko. Hindi nga lang sa ugali.

Noong magtagpo nanaman kasi 'yong landas natin ay hindi ganoon kaganda compare doon sa nauna. Nagkaroon kami ng activity sa physics na kung saan ibabato mo 'yong itlog sa partner mo at dapat masalo niya 'yon. Ako pa naman 'yong klase ng tao na hindi swerte sa batuhan kaya ayan tuloy, sa'yo tumama 'yong itlog na hawak ko. At grabe lang dahil halos manlisik ang mata mo sa'kin. Kung alam mo lang kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa kilig kun'di sa kaba. First time ko na nga lang kasi magkaroon ng crush na nakikita ko talaga sa totoong buhay tapos matuturn off pa sa'kin.

Pero pinagsisisihan ko na naging crush kita kasi hindi ko talaga ma-take ang ugali mo. Kasi noong oras na 'yon, doon na nagsimula ang karbaryo ko. Dati pinapangarap ko na sana ay maging mala-wattpad ang kwento ng buhay ko pero tama nga ang sinasabi nila na "Be careful what you wish for." Pero sana naman, e hindi 'yong story na binubully si girl. Grabe! Hindi ko naman kasi sinasadya na matamaan kita ng itlog, pero parang ang big deal, big deal sa'yo to the point na kapag nagkakasalubong tayo ay pinagtitripan mo ako. Akala mo naman, e ang gwapo mo, hindi naman. Ma-appeal ka lang, tandaan mo 'yan!

Hindi ko alam kung paano tayo naging magkaibigan. Siguro dahil kapag aasarin mo ako, e pinipilosopo kita o kaya naman ay ibinabalik ko sa'yo 'yong inaasar mo sa'kin. Atsaka, pareho kasi tayong mahilig sa chess kaya kapag may contest ay lagi tayong magkasama. Kaya lang, pareho naman tayong natatalo. Pero tayo naman 'yong klase ng tao na hindi umiiyak kapag natatalo. Naalala mo ba na tinawanan lang natin 'yong sarili natin no'ng natalo tayo? Kasi ako, naaalala ko pa 'yon. First time ko kasing makita na tumawa ka. 'Yong tipong hindi dahil inaasar mo ako.

Doon yata ako nagsimulang magkaroon ng feelings sa'yo. Pero hindi pa naman ganoon kalalim. Kaya lang, noong marealize ko na gusto kita, doon ka naman nagkaroon ng girlfriend. Na-friendzone tuloy ako.

Pero parang wala naman sa'kin na nagkaroon ka ng girlfriend kasi 'yong turing mo sa'kin, walang nagbago. Lagi parin tayong nag-aasaran at may time parin tayong mag-chess.

Kaya lang, 'yong girlfriend, BRUHA! Ang sarap niyang sabunutan at kalbuhin. Tama ba naman kasing magselos sa'kin? Tapos gusto niya pa akong lumayo sa'yo.

Bakit? Pag-aari ka ba niya? Kung oo, e 'di magpakasal na kayo! Ako pa mismo ang magiging wedding organizer niyo! Grabe lang kasi siya. Girlfriend mo pa lang siya, paano pa kaya kung asawa mo na siya? E 'di itatali ka na niya sa bahay niyo para hindi na kita makita at makausap. Kung alam ko lang na ganyan ang ugali niya e 'di sana, una pa lang ay hindi na ako pumayag na gawin mo siyang girlfriend.

Kaya lang, girlfriend mo siya at kaibigan mo lang ako kaya siya ang sinunod mo. Nilayuan mo ako at hindi mo ako pinansin ng ilang linggo na parang hindi ako nag-eexist. Sa halip na malungkot ako ay natatawa ako sa'yo. Bakit? Nagmumukha ka kasing tanga! 'Yong tipong parang napipilitan ka na layuan ako. Kapag kasi magkakasalubong tayo, bigla kang nanghihila ng estudyante at magpapanggap kayo na nag-uusap kahit hindi mo naman kilala 'yong hinila mo.

Tapos ngayon, bigla kang lalapit sa'kin at sasabihin mong wala na kayo kaya pwede mo na akong lapitan ulit. Sa totoo lang, hindi ako masaya sa sinabi mo. Para kasing naging rebound ang dating ko na kapag wala na siya, ako naman.

Pero paano naman ako magiging rebound kung hindi naman tayo? Hindi rin ako nag-iisip 'no? Nagda-drama ako kahit wala namang dahilan para magdrama ako.

Kaya naman, tinanggap ko ang sorry mo. Wala akong magagawa, kaibigan kita at na-friendzone ako.

Nalaman ko pala na nakapasa ka sa UPCAT. Kaya lang hindi mo naman sinabi sa'kin. Kung hindi ko lang nakita 'yong malaking tarpaulin sa gate ng school natin ay baka hindi ko malalaman.

Doon ko lang din na-realize na may nag-iba sa friendship natin. Hindi na katulad dati bago dumating 'yong ex mo. Dati kapag may good news ka, ako ang una mong binabalitaan at kinukwentuhan. Pero ngayon, hindi na.

Ang bilis ng araw at malapit na ang graduation natin. Malapit na rin magtapos ang friendship natin. Alam ko kasi na kapag umalis na tayo sa school na ito ay hindi na tayo magkikita pang muli. Sa UST ako pumasa at sa UP ka naman. Marami kang makikilala doong new friends at ganoon din ako.

Kaya bago tayo magtapos, gusto kong ibigay sa'yo itong liham na ito na mukhang nobela. Bago tayo magkahiwalay ng landas, gusto ko sanang malaman mo na matagal na kitang gusto, manhid ka lang talaga. Ikaw lang ang lalaking nagustuhan ko at ikaw lang din ang kaisa-isahang lalaki na na-friendzone talaga ako. Alam ko kasi na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa'kin. Kaya nga sinasabi kong gusto kita ngayon kasi alam ko na kapag nalaman mo ito ay tuluyan ka nang lumayo sa'kin. Hanggang maaga pa ay ako na mismo ang lalayo sa'yo tutal magkakalayo naman na talaga tayo. Ang panget naman tignan na bago tayo magkahiwalay ay sasaktan mo ako. Hindi ka sinuswerte para gawin 'yon sa'kin. Nasa akin parin ang huling alas!

Kaya siguro, ito na ang pamamaalam ko sa'yo. Sana ay pareho nating matagpuan ang mga taong nakalaan talaga sa'tin. Hindi kasi talaga tayo ang tinadhana ng Diyos at lalong hindi ako ang ipinana ni kupido sa puso mo.

Pero tandaan mo na kahit hindi ka gwapo at ma-appeal ka lang ay nagustuhan kita. Hahaha! Biro lang!

Hanggang sa muli! Kung magkikita nga ulit tayo sa hinaharap.

Ang iyong matalik na kaibigan,

Janel

Dear Heart, Letters.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon