Entry #4

149 6 0
                                    

Pagtakas.

Sa pagtakas ko sa realidad ng mundo, ako'y nabighani sa kagandahan ng dimensyong virtual -- internet. Dito, ako'y nakahanap ng matatawag kong santuwaryo at unti-unti ako'y nakahanap ng mga katoto. Mga katotong nagpuwang ng kalinga na aking hinahanap. At dito din kita natagpuan. Sa pagtakas ko sa aking mundo, ako'y nakulong naman sa iyong mundo. Mundong mahirap lisanin dahil ako'y magtatamo ng malaking pinsala -- hindi pisikal ngunit emosyonal, dito sa aking puso.

Noong una ang tanging pakay ko lamang sa internet ay makatagpo ng mga kaibigan upang ako'y di maging mag-isa. Dahil nga sa di ako sanay makipaghalubilo sa aking mundong kinalalagyan. At nagtagumpay naman ako, nakahanap ako ng mga kaibigan, at isa ka na doon. Tayo'y nagkakasundo sa lahat ng bagay, mismong hinaing ay tugma din. Lagi tayong nagchachat, pinag-uusapan ang mga bagay-bagay at iba't ibang pananaw. Ito yata ang dahilan kung bakit ako nahulog sa iyo. Pero di ko masabi ang aking nararamdaman sayo. Takot kasi ako na baka magbago ang ating pagsasama at maapektuhan ang ating pagkakaibigan. Ngunit sa liham na ito, ako'y pumusta sa tadhana, umaasang ito'y papabor sa akin. MAHAL KITA!! OO, MAHAL NA MAHAL KITA! Kahit na ano mang mangyari nandito ako para sayo. Lahat isusugal mapaligaya ka lang. Ibubuwis ko maging kaligayahan ko pa. Iyong tatandaan, kahit di mo man masuklian itong pagmamahal ko, ako'y mananatili pa rin sa iyong piling at susuportahan ka sa lahat ng pagkakataon. Hindi kita iiwan at maghihintay lamang ako hanggang sa pumuti ang uwak. BAKIT? Dahil nga iniirog, sinisinta, MINAMAHAL KITA! I LOVE YOU!

From,

Anonymous.

Dear Heart, Letters.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon