Entry #16

196 13 3
                                    

Dear Mikael,


 
          Bakit nga ba mahal kita, kahit 'di pinapansin ang dadamin ko. 'Di mo man ako mahal, heto parin ako nagmamahal ng tapat sayo~

          Tingnan mo! Napapakanta ako. Lakas maka-hugot, eh. Hugutin kaya kita pabalik sa puso ko?

          Pabalik ba kamo? Oo, kinalimutan na kita. Pero bakit gano'n? Ilang beses kong sinabi na, kakalimutan na kita, pero ako naman ang nakakalimot na gawin 'yon. Gano'n ba kadikit ang super glue na ginamit mo sa utak ko? O mighty bond ang ginamit mo?

          Akala ko ikaw na, hindi pa pala. Alam mo ba na, inspirasyon kita kung bakit ko ginagandahan ang pagsusulat sa notebook ko kasi iniisip ko na hihiramin mo iyon kahit hindi? At alam mo rin bang halos ipa-print ko na ang buong facebook profile at timeline mo? Alam mo bang sa tuwing maglo-lotion ako, pangalan mo ang nilalagay ko sa balat ko? Oo, gano'n ako ka-adik sa'yo.

          Hindi ka naman kagwapuhan pero bakit kita nagustuhan? Nabaril ka ba? Pero hindi, eh! Ako ang tinamaan! Tinamaan ako sa'yo. Nakakaasar, bakit kasi ikaw pa? Bakit kasi ikaw pang hindi mapansin-pansin ang nararamdaman ko. Bakit? May mahal kang iba?

          Sabi ko, mahal kita. Sabi naman nila, may mahal kang iba. Mahirap umasa lalo na kung wala ka  namang dapat asahan.

           “Pakisabi nalang na mahal ko siya, ‘di na baleng may mahal siyang iba.”

          Salamat, ha? Salamat dahil umaasa ako. Salamat dahil nasaktan ako. Salamat dahil natuto akong kahit sa pagmamahal, kailangan mong matutong masaktan. Salamat dahil sa loob ng mahabang panahon, naging inspirasyon kita. Kahit masakit man, alam ko namang hindi ako ang babae na para sa'yo.

          Salamat ulit sa pagpapaasa sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga panahong iyon.

          Minahal kita. Pero hanggang dito na lang. Nasasawa na akong matusok ng karayom ng paulit-ulit. Masaya na ako ngayon. Masaya dahil kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sayo. At higit sa lahat, Masaya ako dahil masaya kang kasama ang ikasasaya mo.

          Alam kong habang binabasa mo ito eh, masaya na ako kung nasaan man ako ngayon. Alam ko rin na sa oras na mabasa na ‘to, wala na ako sa mundo. Wala nang isang adik na magpapa-fangirl sa’yo. Wala na ako, nasa langit na. I died 1 day ago. Sabi ko kasi sa bestfriend ko, iabot niya ito sa ‘yo kinabukasan pagkatapos kong mamatay. May talik ang buhay ko. Malubha ang sakit ko na hindi puwedeng gamutin. Alam kong bata pa ako para mamatay nang maaga dahil sa isang malubhang sakit. Tanggap ko na naman eh. Katawan ko lang naman ang mawawala. Nandiyan lang ako sa paligid, minamasdan ka at ang mga ngiti mong bumubuo ng bawat araw ko.

           At sa huling pagkakataon, gusto kong ngumiti ka pagkatapos mo basahin ang sulat kong ito. 'Yong kita ang ngipin, ha?

           Salamat at tinanggap mo itong sulat ko mula sa kaibigan ko. Masaya na ako no’n.

           Paalam.
                                                                                                                                 

Nagmamahal,   

Shaniah

Dear Heart, Letters.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon