Trese anyos lamang si Ana nang unang tumibok ang kaniyang puso para kay Andrew na sampung taon ang tanda sa kaniya. Sa murang edad ay umaasa siya na mapansin siya ni Andrew bilang isang babae, pero nakababatang kapatid na babae lamang ang turing nito sa kaniya. Hanggang sa nag-migrate sa ibang bansa ang pamilya ni Andrew. Naiwan si Ana na bigo. Lumipas ang ilang taon, ganap nang dalaga si Ana. Siya ding pagbabalik ni Andrew sa bansa. Buong akala niya'y nakalimutan na niya ang binata, pero nagkakamali siya. Muling nabuhay ang pagtingin niya sa binata na akala niya'y patay na. Pinangako niya sa sarili na hindi na niya hahayaang masaktan pa siya ulit ng parehong lalake sa pangalawang pagkakataon. Kaya ba niyang pigilan ang damdamin kung ang lalake na dati'y bata ang turing sa kaniya ay walang kasing kulit kung makabuntot sa kaniya?