Lorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love became meaningless. Bakit pa siya maniniwala sa love kung ang taong minahal niya sa loob mahabang panahon ay nagawa lang siyang ipagpalit sa babaeng wala pang isang buwan nakilala? Talaga bang kapalit-palit siya? Kaya naman dala ng matinding sakit na nararamdaman, nakalimot siya at ibinigay ang sarili sa lalaking ngayon lang niya nakilala. At ang masama pa doon, nagbunga ang isang gabing pagkakamali. Pangangatawanan na ba niya ang katangahan o baka naman ang akala niyang pagkakamali ay siya palang pinaka tamang desisyon niya na ginawa sa buhay?