Maganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanyang puso ay ang boyfriend niyang anak ng isang senador. Kaya naman nang siya ay lokohin nito, nawasak ng sobra ang puso niya lalo na noong malaman na matagal na siya nitong niloloko. Kaya naman para makaganti sa panloloko nito at sa babaeng papakasalan nito ay gagawin niya ang lahat masira lamang ang ex-boyfriend at ang fiance nito. Ngunit dahil ba sa pagdating ni Rylan Jopierre Jainar na kapatid nang fiance nang ex-boyfriend niya ay masisira ang paghihiganti niya sa mga ito? O, ito ba ay laro ng tadhana upang matagpuan niya ang tamang lalaki para sa kanya? Love In Between Revenge by Kyeopshe