MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa kapapanaw lamang na malayong kamag-anak sa probinsya. Tiyempo sa panahon ng kanilang pagdarahop; at ng halos hindi na nila mabayarang buwanang upa, ang pagdating ng isang hindi inaasahang balita mula sa isang estrangherong nakapustura. Pinamanahan daw sila ng isang mayamang balo mula sa angkan na matagal nang nilisan ng kanilang kanunonunuan: milyong-milyong halaga ng salapi at ari-arian ang maaaring mapasakanila, ngunit sa kundisyong kailangan nilang manirahan sa lumang bahay na minana pa ng pumanaw sa kanilang mga ninuno. Ngunit may isang mahigpit na bilin ang nagpamana kung nais nilang manatili roon: ang lahat ng sulok sa loob at labas ng bahay ay maaari nilang angkinin at pakialaman, mapuwera lang sa lumang Balon na may takip sa likod-bahay. *** MHST Volume 3: ANG BALON Mga Hiwaga sa Takipsilim Series Writer: Angela Atienza Content Editor: J. del Rosario Book Cover Design: S.F. Malinit