Isang Binata ang nangangarap maging katulad ng kaniyang Lolo na isang Antingero at magaling na Albularyo. Subali't hadlang sa pangarap niyang iyon ang Lolo niya kaya wala siyang magawa, ayaw rin kasi siyang turoan nito. Hanggang sa may makilala siyang isang Babae na tutupad ng kaniyang kagustohan---si Magda. Isang Misteryusong Babae na tutulong sa kaniya upang magkaroon ng Mutya na matagal niya ng inaasam-asam. Subali't ang kapalit niyon ay ang pagsuway niya sa kaniyang Lolo. Ano kaya ang mga maaaring maranasan ni Larexson bago at pagkatapos niyang makakuha ng Mutya? Magbabago kaya ang buhay niya? Babaguhin kaya siya ng Mutya na hawak niya? Halina't basahin ang Kwento ng. . . Ang Mutya Ni Larexson.
16 parts