CHAPTER 07

700 38 7
                                    

Marianne's POV

"Jusko, kung ako yung natapunan ni Marcus, magrerequest nalang ako ng isang kiss as a change."

"Halla, oo siz."

"Saakin naman is aayain ko siya ng isang date."

"Halla, true."

Ano ba yan, three days na ang nakakalipas pero usap-usapan parin kami ni Marcus. Kainis. Masyado silang oa. Aishhh! So hinayaan ko nalang ang mga juniors na patuloy lang sa tsimissan. Dun sila masaya eh kaya I will let them. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad papuntang library with confidence, nakaangat ang ulo walang halong hiya habang dala ang masaya kong ngiti. Para no bad vibes lang, smile at them at hayaan mong pag-usapan ka nila, atleast nagiging famous ako but in bad terms lang WHAHAHAH.

Nang malapit na ako sa Library ay pansin kong nagsitilian ang mga kababaihan, dahan dahan silang nagsitayuan at nagsilabasan sa mga room nila dala ang mga cellphone nila para magpapicture. Napalingon ako sa lilod ko kung saan ang dereksyon ng pinagsisigawan at hindi na ako nagulat na si Liden iyon. Kaya hinayaan ko nalang at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Hindi nagtagal ay nanririndi na ang mga tenga ko dahil mas lumakas pa ang mga sigawan. Jusko, mga babaeng pokpok, hindi na nila nakontrol ang kaharutan nila. Masyado na silang hibang kay Liden. Hindi ko na pa sinubukan muling tumalikod para tingnan iyon. Ngunit bigla nalang akong nagulat ng may narinig ako na sigaw ng isang pangalan.

"Marcus, oppa!!"

"Marcus papicture."

"Marcus ang gwapo mo."

As expected ay natigilan ako sa paglalakad. Huminto ang dalawa kong paa at hindi ko napigilang tumalikod para tingnan si Marcus. Pagkalikod ko ay nakita kong pinagkakaguluhan si Marcus. Napatingin ako kay Liden at pansin kong naiinis siya kase karamihan sa nagpapapicture sakanya kanina ay nagsipuntahan kay Marcus. Nako, buti nga sakanya yan. Sa wakas ay may kalaban narin si Liden sa pagiging king campus. Pero kahit ganun paman ay nalulungkot ako. Oo, four days palang si Marcus dito at ganyan na siya kaagad ka famous. Ganyan na siya kaagad dinurumog ng mga kababaihan. Jusko, masmarami akong kaagaw sakanya. Wala na talagang chance na mapasakin siya. Huhu, hindi na ako naniniwala na siya ang ipagkakaloob saakin ni tadhana para tuluyan kong makalimutan si Liden.

"Marcus, baby can we have a picture."

"Yah! Sure."

Can we have a picture? Yikes ang pokpok. Nakakainis. Tapos ito namang si Marcus, may pa sure sure pang nalalaman. Aisshh, bwiset. Oo, naiingit ako sakanila kase ang gaganda nila at ang lalakas ng loob nila para lapitan ang mga gusto nilang lapitan. Aishh, so dahil sa inis ay hinayaan ko nalang silang lahat at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Nang paakyat na ako sa hagdan ay may narinig nalang akong sigaw ng pangalan ko.

"Marianne...."

Sa una ay akala ko si Alliyah iyon pero boses lalaki naman at kakaiba yung accent niya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Marcus iyon. Kaya para masiguro kung sino yung nagtatawag saakin ay tumalikod ako at kahit malakas ang pakiramdam ko na si Marcus iyon ay nagulat at natigilan parin ako ng nasiguro kong siya iyon.

Habang patakbo siyang lumalapit saakin ay natigilan at natulala ako. Bumilis ang kabog ng puso ko at para niya akong papatayin sa mga ngiti niya. Eh ano ba yan, ang rupok ko naman. Kanina naiinis lang ako tapos ngayon ngiti lang ni Marcus okay na kaagad. Huhu, why naman ganito?

"Ah, ah bakit Marcus?"

"Saan ka pupunta?"

"Sa-sa Library."

'Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon