Marianne's POV
"Ding dong!! Ding dong!!"
Ano bayan, excited much! Hindi manlang makapaghintay itong tao na ito. Walang patience lang ampeg! Eh tao lang naman ako, hindi gaoon kabilis at saka hindi ako guard noh.
"Wait lang po!" Irita kong sigaw
"Ok" sagot din nito.
Teka, boses lalake? So it means lalake yan? But wait, his voice is so familiar. Bakit parang kinakabahan ako sa boses na narinig ko? Sino kaya yang lalaking yan. So dahil curious na ako ay mabilis akong nakapunta sa gate at mabilis ko rin itong binuksan kase hindi makapaghintay itong lalaki na to.
Pagkabukas ko ay bigla akong nagulat ng tumambad sa harap ko si Liden. Nakangiti naman siya na kinaharap ako. As usual ay napatulala lang rin ako sakanya at medyo bumilis ang tibok ng puso ko, siguro ay dahil sa kaba. Eh ano naman sanang sadya ng lalaking to rito? Aishh!
"Ba-bakit Liden?" Nahihiya kong tanong. Nginitian naman niya ako saka niya pinisil ang pisngi ko. Aishh, itong lalaking ito talaga ay ang tagal na ang nakakalipas ay wala parin siyang ibang ginawa saakin kundi pisilin ang pisngi ko. Damn, hindi parin siya nagbabago! Masgwumapo siya at pansin kong umamo na siya.
"Hindi mo alam?"
"A-nong ibig mong sabihin Liden?"
"Aishhh!" Sambit niya saka niya ginulo ang buhok ko at natigilan nalang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko saka niya ako hinila papasok sa bahay namin.
Anak ng palaka! Anong nakain ng lalaking to at ganyan kung makaasta. Parang ewan, bigla bigla niya akong hihilain papasok sa bahay namin kahit hindi pa naman niya alam kung welcome ba siya or hindi. At saka ano ba talagang sadya niya rito? Halla wait! Andito si Marcus! Hindi sila pwedeng magkita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. No, kung walang katuturan ang pagpunta ni Liden rito ay sapilitan ko siyang papaalisin.
Agad akong kumalas sa pagkakahawak saakin ni Liden at huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin siya at parang kita sa mukha niya ang gulat.
"Liden, ano ba talagang sadya mo rito?"
"Hibang ka ba?"
Wow, ako pa ang hibang. Eh sinong basta basta papasok pasok dito sa bahay namin? Ano ba kasing gagawin niya rito. Kainis naman!
"Busy kase ako Liden, please huwag ka muna manggulo!"
"Hindi mo ba talaga alam na kagrupo kita? Tatlo tayo nila Marcus ang magkagrupo dun sa miniature! Hindi mo alam?"
Bigla akong natameme sa sinabi ni Liden. Teka, tama ba ang narinig ko? Na kagrupo ko rin siya? Wow, anong pakulo to tadhana? Masaya ata si tadhana na pagtripan at gulihin ako hah! Eh bat naman kase tatlo kaming magkakagrupo? Huhu, dunno what to do and what to say.
"Ah- ganun ba?"
"Aissh! Alika na nga!"
Sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan na naman ni Liden ang kamay ko saka niya muli ako hinila paloob sa bahay namin. Ngunit at this moment ay hindi ko na siya pinigilan pa. Kainis naman kase si Marcus eh, bakit hindi naman niya sinabi na kagrupo rin pala namin itong Liden na ito. My ghod! The two heartthrob and me!
After a few minutes ay agad rin kaming nakapunta sa room na pinaggagawan namin ni Marcus.
"Hey bro!" Pagbati ni Liden.
Napatingin saamin si Marcus at pansin kong napababa ang mga titig niya sa kamay namin ni Liden na magkahawak at parang nailang siya roon kaya agad ko ring tinanggal ang kamay ni Liden na nakahawak saakin.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Teen FictionAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...