CHAPTER 16

505 23 3
                                    

Marianne's POV

"Marianne gising na!"

"Huhu, mamaya na po manang please!"

"Huwag mo akong ma manang manang diyan! Hindi pa ako matanda!"

Bigla akong nabuhayan at mabilis na napamulat ang mga mata ko sa mga narinig ko. I don't know pero kung hindi ako nagkakamali ay si ate 'to. Pagkamulat ko ay napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ko at hindi na ako nagulat na si ate nga iyon. Kusang ngumiti ang bunganga ko at agad akong tumayo para yakapin siya.

"My ghod ate, bakit hindi mo naman sinabi na ngayon na ang uwi niyo?"

"Wow, kagabi pa ako tawag ng tawag sayo bunso pero hindi mo sinasagot!"

"Huhu sorry ate nakatulog lang ako! By the way sobra kitang namiss, bruha kong ate!"

"Mas na miss kita bunso naming laitera!"

Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ko kay ate. Jusmiyo, almost five months ko silang hindi nakita at nakasama. I really miss them talaga, dalawa sila ni dad. My ghod, thank you naman at good vibes ako ngayon! Huuu! Teusday na naman at may pasok parin. Sa mga nangyari kahapon, wala na akong pake roon, move on na is me. Wala narin akong balak pang ikwento kay ate. Basta no to bad vibes, yes good vibes tayo ngayon.

"By the way ate, nasaan si dad?"

"Ahm nagpahinga na, napagod ata sa biyahe."

"Ay ganun ba? Okay sige, maghihilamos at magbrubrush na ako ate at kakain muna ako bago ako maliligo."

"Abay dapat lang, ang baho mo kaya!"

"Wow, ang kapal ng face! Tumabi ka nga diyan!"

"WHAHAHA, abnormal ka talaga bunso! Sige bumaba ka nalang mamaya for breakfast, magpapahinga na ako."

"Tama ate, magpahinga ka na, mukha ka ng depressed. WHAHAHA!"

"Aisshh, bahala ka diyan, laitera ka talaga ng taon."

So agad na umalis at lumabas ng kwarto ko si ate, mukhang pagod na pagod siya kaya magpapahinga na yon. WHAHA honestly nagmukha na rin siyang mas matanda saakin. Eh kapag lalabas kami, ako yung napagkakamalang ate eh.  So nagmadali akong pumunta sa bathroom ng kwarto ko at mabilis akong nagbrush at naghilamos saka ako bumaba para kumain.

"Good Morning manang!"

"Good Morning din anak, o umupo ka na diyaan at ipaghahanda na kita ng breakfast mo."

Mabilis rin naman akong binigyan ng pagkain ni manang, shemay ang bango. Nagcrave tuloy ako bigla sa bacon na luto ni manang. Mabilis ko lang rin naman kinain kase wala naman akong kasabay na kumain. Ang tahimik sobra ng bahay, parang kami lang ni manang ang tao. Si mom, pumunta sa friend niya, sila dad and ate nagpahinga. Aishh, ang dami pang sat sat Marianne! Makaligo na nga at ng makapasok na.

Maya maya pa ay natapos narin akong nakaligo at nakapagbihis. Bago pa man ako lumabas ng pinto ng kwarto ko ay kinaueap ko muna ang sarili ko...

"Marianne, panibagong araw na ito! Keep calm and dont remember what happened yesterday. Tama, just smile lang and be confident. Whoo! Fighthing!"

Agad akong lumabas ng kwarto ko saka ako pumunta sa garage namin. Pero pansin ko naman ay wala ni isang kotse. Yawa, yung kotse ko nasa school pala, shemay nakalimutan ko kasi kay Liden pala ako nagpahatid kahapon. Asan ba si Manong Rey? So agad akong bumalik sa loob namin para tanungin kay manang kung nasaan si manong Rey.

"Manang, nasaan po si Manong Rey? Wala po kasi yung kotse ko eh magpapahatid nalang po ako sakanya."

"Ay halla! Namalengke siya anak."

'Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon