CHAPTER 06

695 39 15
                                    

Marianne's POV

"AHHHHHH"

Napasigaw nalang ako ng malakas dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas ang waiter sa harap ko na sanhi ng pagkakatapon ng milktea at fries sa damit ko.

Napatingin ako sa waiter at naawa ako sakanya dahil alam kong nasaktan siya mula sa pagkakabagsak. Pansin ko rin na pinagtitinginan at pinagbubulungan ako at siya ng mga tao ngayon rito.

Bigla nalang nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa gulat ng tumingin saakin ang waiter. Pinikitpikit ko pa ang mata ko dahil nagbabakasakaling namamalik mata lang ako. Tama ba ang nakikita ko? Seryoso? Si Mr. Americano? Si Marcus ba itong nakatapon  saakin?

"So-sorry..."

Kitang kita sa mga mata niya ang pag-aalala at ang pagkadismaya sa sarili. Dahan dahan siyang lumapit saakin at unti unti naman nadudurog ang puso ko ng makita ang mukha niya na bakas ang lungkot.

"Ahh..." hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero alam ko sa sarili ko na napawi ang inis at galit ko ng malaman kong si Marcus ang nakabangga sakin.

Gaya ng dati, nang magsalubong ang dalawa naming mata ay natulala at napatitig lang ako sakanya. Hindi narin bago ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko at pagbagal ng takbo ng paligid ko.

"Marcus, go to the faculty room. And miss, sorry talaga, pwedeng doon nalang natin pagusapan sa faculty room ang lahat. Marami kasing tao rito, maaaring masira kase ang record ng cafe namin eh." tugon saamin ng manager ng cafe

Agad namang pumunta si Marcus sa faculty room. Hanggang ngayon pinag-uusapan parin kami kaya no choice, nahihiya na rin ako eh kaya sumama narin ako. And gets ko naman yung point ng manager, na maaaring masira ang record ng cafe at lalong lalo na si Marcus, pwede nga rin itong maging sanhi ng pagkakaalis niya sa  trabaho eh. Pero teka, bakit ba kase nagtratrabaho dito si Mr. Americano? Carry niya ang pagiging waiter? Ang simple naman niya. Sa gwapo niyang yan, waiter lang ang gusto niyang part time job! Ahmm, siguro gusto niya lang ng expirience, masyado siguro siyang naboboring sa pagiging mayaman.

_________

"Ahm, ibibigay nalang namin yung sweldo niya ngayong araw para pambili mo ng damit maam. Basta please huwag lang po kayong magbibigay ng bad feedback sa cafe namin."

Napatingin muli ako kay Marcus na kaharap ko ngayon sa isang lamesa at bakas parin sa mukha niya ang lungkot. Alam ko rin na nakakaramdam siya ng kaba na baka tanggalin siya sa trabaho niya at ayaw ko namang mangyari iyon ng dahil lang saakin.

"Ahh, ehh, hindi ko matatanggap iyan---"

Hindi naman ako natapos sa pagsasalita ng bigla itong putulin ng manager saka siya kaagad na nagsalita.

"Ahm Miss,please! Aksidente ang lahat, kaya take his money nalang as change. Bagong bukas palang ang cafe namin kaya please don't give some bad feedbacks. Hayaan mo, bibigyan ka namin ng 7days free milktea at sa lagay naman ng staff namin ay magiging lesson ito para sa bawat isa saamin upang maging maingat pa sa susunod."

Grabe naman itong manager, mukha ba akong masamang tao. Salita kase siya ng salita eh hindi pa naman ako tapos.

"Ahmm excuse me lang hah, let me finish first, please."

"Yah maam, sure."

"Huwag kayong mag-alala, wala sa isip ko ang magbigay ng bad feedback. Alam ko naman na hindi niya sadya at aksidente lang ang lahat. Ang gusto ko lang sabihin is hindi ko matatanggap yung pera niya kase alam kong pinaghirapan niya iyon, ahm pwede bang makahiram nalang ng simpleng damit para pagpalitan lang sana."

'Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon