Marianne's POV
"That's all for to day class, hope you learned some lessons. You may go."
Whoah, sa wakas ay tapos narin ngayon ang klase. Actually lutang ako mga siz. Tumunganga lang ako buong maghapon. Eh wala si Alliyah na kausap ko eh. Tapos ayaw ko namang humaliparot kina Liden at Marcus, alam na, ang issue ng mga students ngayon.
But until now, hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nila Liden at Marcus. Ponyeta, hindi ko alam kung kikiligin ba ako sakanila. Pareho nilang pinapadama ang pagiging caring nila saakin. Kaya at this moment hindi ko alam kung sino sakanila ang magiging crush ko. I like them both, at sa sobrang perfect nilang dalawa, baka mas pipiliin ko pang maging kaybigan nalang sila, coz they are too high kumpara saakin na napakasimple at gurang lang talaga.
Aissh tama na ngalang ang daldal Marianne. Magligpit ka na at makaalis na. So mabilis akong nagligpit at wala sa sarili na umalis sa room. Habang naglalakad ako papaalis ay bigla akong natauhan ng may nagtext saakin.
At sino naman tong taong to? Unknown number? Nakakaduda naman ata to kase bihira lang ang nakakaalam ng number ko. Baka scam to kaya hindi ko nalang pinansin.
So nagpatuloy lang ako sa paglalakad, and hindi na ako nagtakang pinagtitinginan parin ako hanggang ngayon. Inggit kayo sa beauty ko mga siz? Charot. Kainis naman kasi itong sina Liden at Marcus eh, pinagtatanggol ako sa harap ng maraming tao. Pero sanay naman na akong maissue, kaya immune na ako sa ganyan.
"Marianne!!!"
Bigla akong natigilan sa paglalakad ng may sumigaw ng pangalan ko. Kaya dahan dahan akong tumalikod upang makita kung sino iyon at biglang nanlaki ang dalawa kong mata ng makita kong sabay na tumatakbo papalapit saakin ang magkaybigan na sina Liden at Marcus.
Abay ponyeta, ito na naman sila eh. Huhu, tadhana bet mo ko masyado. Paano na ako niyan? Maslalo akong maiissue sa pinaggagawa ng magkaybigan na to eh. Imagine that, ako lang na babae ang close nila dito sa campus. Saakin lang sila mabait! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa trato nila saakin o maiinis kase ako ang laging point of view ng mga impaktang babae na nagkakagusto sakanila.
"Ba-bakit?"
"Anong bakit ka diyan? Ayaw mo ba kaming kasabay?"
"Yah, Liden is right. Kanina ka pa namin tinatawag but parang hindi mo kami naririnig. Is there something wrong Marianne?"
Wow? Kasabay? Enebe, gusto ko naman talaga kaso ano. Alam na, maraming maiinsecure sakin.
"Ay hindi lang kase ako sanay eh, more on kami lang lagi ni Alliyah ang magkasabay umuwi. Kaya sorry diko kayo napansin. Maybe sabog lang talaga ako."
"Haystt, kahit sabog ka you're still cute parin." Nakangiting sabi ni Marcus kasabay ng paggulo niya sa mga buhok ko.
Abay, ponyeta talaga tong americanong to. Ang galing niyang magpakilig, o baka naman sadyang malakas lang talaga ang tama ko sakanya. Eh kasi naman, kapag nakangiti siya, para siyang anghel na bumaba sa langit. Napakacharming ng face niya. Jusko, Marcus maawa ka naman sakin.
"Hoi Marianne!" Naiinis na sabi ni Liden
"Ah--ehh--bakit?" Paputol putol kong sabi, nawala ata ako sa sarili kakatitig kay Marcus.
"Ah wala, tutulo na kase yang laway mo kakatitig kay Marcus."
Hindi ko alam kung paano sabihin yung expression ni Liden. Kakaiba hah! Hindi naman sa pag-aassume pero parang nagseselos siya. Wow hah, taray Marianne! Chararat.
"Ayy, ganun ba!" Nahihiya kong sagot
At sa pangalawang pagkakataon ay nginitian na naman ako ni Marcus, owshii malulunod na ata ako sa lalim ng dimples niya. Marcus, hindi ka na nakakatuwa! Ang pangit mo ng kabonding siz, lagi mo nalang akong niloloka.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Teen FictionAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...