Marianne's POV
Aishh! This day is so damn! Nakakainis. Noong una naiinis ako dahil sa bigla biglang pagsulpot ni Liden sa canteen. Tapos pangalawa yung panghaharot naman ng queen campus kay Marcus. Tapos kanina may pasunod sunod pang nalalaman si Liden. Oo, natuwa naman ako kase nalaman kong concern siya saakin. Aminado akong pinilit ko lang na patigasin yung puso ko kanina habang kausap si Liden pero ang totoo nun is kaylangan ko ng magcocomfort saakin. Kainis, bakit ba naman kase ngayon pa nag absent itong si Alliyah.
Oo, buong klase akong nakatulala at wala sa sarili. Simula kanina at hangang ngayon ay patuloy parin akong ginugulo ng katanungang ito, "totoo bang malakas na ako? Totoo bang nagbago na ako?" Kanina, hindi ko alam kung anong sumanib saakin para labanan ang queen campus. Senyas ba iyon na talagang nagbago na ako? Aishh, naguguluhan ako na parang ewan. Masaya ako na parang malungkot dahil sa sinasabi kong pagbabago.
Aish, so dahil ang daming gumugulo sa isip ko ay nagpagdesisyonan ko munang pumunta sa may park at doon muna mag stay. Mamaya nalang uuwi. I need to freshen up my brain. Madami akong dapat isipin at dapat mapagtanto. Hayst, ang araw na ito ay nakakawalang gana.
After a few minutes ay agad rin naman akong nakarating sa isang park na malapit sa barelle cafe. Actually matagal tagal narin akong hindi nakakapunta sa park na ito maging sa barelle cafe dahil isa yun sa naisip kong paraan para mabilis ko lang makalimutan si Liden. Eh ang dami naman kase naming mga memories dito sa lugar na ito, gaya nung katarantaduhan niyang pagtulak saakin sa cafe habang hawak ko yung orders ko and ofcourse sa cafe rin na yan naganap ang first fake date namin. Haysst! Ang dami kong inaalalang mga memories na dapat hindi ko na alalahanin pa.
So pagkatapos kong pinark ang kotse ko ay agad akong lumabas at nagtungo sa may bench. Umupo lang ako at malayang nag-isip. Dinamdam ko lang ang simoy ng hangin. Pansin ko namang wala gaanong katao tao ngayon dito maliban nalang sa dalawang matandang mukhang mag-asawa na masayang nagkwekwentuhan. Grabe yung mga ngiti at tawa nila is nakakahawa, parang ang saya lang nila pagmasdan.
So hinayaan ko lang ang sarili ko na pagmasdan hanggang sa may batang humarap saakin. Inabot niya saakin ang isang rosas na may kasamang card. Parehong pareho ito mula sa dating natanggap ko. At gaya nung unang rosas na natanggap ko ay "I love you Marianne" rin ang nakasulat rito.
"Kanino ito nanggaling?" Tanong ko sa batang sobrang cute.
"Kay kuya!"
At sino namang kuya? Teka, sinusundan ba ako ng nagpapabigay nito saakin? Eh sino naman sana siya at bakit ayaw niyang magpakita saakin? Si Liden kaya tong nagbibigay ng mga rosas? Aishhh.
"Ahm nasan yung kuya mong nagpapabigay sayo ng bulaklak na ito?"
"Ayun po oh!" Banggit ng bata saakin sabay turo sa may gawing kaliwa ko.
Madali akong sumulyap sa direksyon kung saan ang tinuro ng isang bata ngunit wala akong nakitang lalaki o kahit anino manlang.
"Jester, tara na anak." Sigaw ng parang magulang nitong bata
"Ahm ate, sabi pa po ni kuya na mag-ingat ka raw lagi. Sige po mauna na ako."
Agad namang umalis yung bata. Pero as expected ay linamon na naman ako ng curiosity ko kung sino ba talaga yung nagbibigay saakin ng mga rosas. May idea ba kayo kung sino? Ako kasi wala. And isa pa ay ayaw kong mag-assume no.
Bigla namang humangin ng malakas kaya't nailipad yung card na kasama nung rose kaya agad ko itong tinakbo at kinuha. Huminto naman kaagad ang paghangin kaya agad rin na huminto sa paggalaw yung card. Umupo ako at akma ko na itong dadamputin nang mang kamay na unang dumampot saakin. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para makita kung sino iyon at nagulat nalang ako na parang naiinis ng makita ko si Liden.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Novela JuvenilAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...