CHAPTER 14

745 43 26
                                    

Marianne's POV

Ang pagsalubong sa bawat umaga ay dapat tayong maging masigla. Dapat magpasalamat tayo sa Diyos dahil nagising tayo at makakapagpatuloy pa sa pagtahak sa landas ng magkahalong magulo at payapang buhay.

Lunes na naman at back to school na naman. Gaya ng normal na estudyante ay kinakalungkutan ko na rin ang araw na ito. Maagang magigising at maagang maliligo. Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi ay tuloy parin ang awit ng buhay ko. So mabilis akong bumangon, dumeretsyo na akong bathroom para maligo at nakapagbihis narin naman ako ng madalian saka ako bumaba para kumain. After a few minutes ay tapos narin ako sa lahat. Kaya I go to the garage to get my car.

_________

30 minutes past ay nakarating na ako sa campus. Mabuti nalang at maaga akong nakapaghanda kaya hindi pa traffic kanina. So gaya ng dati ay mag-isa lang akong naglakad papasok sa school, wala pa kase si Alliyah, 3 days siyang hindi makakapasok kase nagpunta sila sa probinsiya nila for some reasons.

Sinalpak ko ang airpods ko sa tenga ko saka ako patuloy na naglakad. Maaga palang naman kaya hindi pa ganoon kadami ang estudyante. Im sure na nakalock pa yung room namin kaya dumaan muna ako sa isang park ng campus namin. Umupo ako sa may bench at payapang dinamdam ang simoy ng hangin at ang mapang-relax na awitin.

Gosh, it's my last year nalang here in CDPU and Im sure sobrang mamimiss ko ito. Ang daming memories ang natahak ko rito. So masaya ko lang inalala ang mga memories ko dito sa campus, simula nung first day ko rito na sinira ni Liden, sa kung paano ako pinag-uusapan, sa kung paano ako naging suki sa library, sa kung paano kami pinagkakilala ni Marcus, sa kung paano ako kinilig sa lugar na ito at sa kung paano ako ginabayan ng campus na ito sa pagiging matatag sa pag-abot ng pangarap.

So habang binabalikan ko ang nakaraan ay bigla nalang akong natigilan ng may mga lalaking nag-abot saakin ng mga rosas agad rin naman siyang umalis kaya hindi ko natanong kung kanino ito nanggaling. Ang mga rosas na ito ay kagaya ng mga natatanggap ko at gaya ng dati ay "I love you Marianne!" parin ng nakalagay sa nakasamang card nito kaya walang halong duda na galing na naman ito sa mystery lover ko. Sino kaya yun? Bakit ayaw niyang magpakita saakin? Natatakot ba siya saakin? Aaishh, I dont have any idea about him.

Hayst, bago pa man ako guluhin ng mga rosas na ito dahil sa curiosity ay minabuti ko nalang ilagay ito sa bag ko at napagdesisyonan ko ng pumunta ng room.

Habang payapa akong naglalakad ay bigla ulit akong nagulat ng may umakbay saakin. Napatingin ako sa umakbay saakin at hindi na ako nagtakang si Marcus ito.

"Good Morning Marianne!" Masaya niyang bati

"Ano kaba, grabe ka kung manggulat. Good Morning din."

Bigla naman nakuha ng atensiyon ko ang estudyanteng nakatingin saamin ni Marcus at tila pinag-uusapan kami. Alam ko na namang tungkol ito sa pagka-akbay saakin ni Marcus. Aishh, sobrang toxic ng mga estudyante rito. Kaunting akbay lang is issue kaagad! Aishh, kainis.

Kaya para wala ng issue ay agad akong kumalas sa akbay ni Marcus. Pero dahil best in acting ako ay hindi naman nakahalata si Marcus na sadya yung pag-alis ko sa akbay niya. Kainis naman kase, sinusulit ko pa yung akbay ni oppa Marcus eh. Kainis aish!

"How's your weekend days Marianne?"

"Ahm parang dati lang. Maghapon sa bahay nagbabasa ng kung ano ano at chineck ko rin yung ginawa nating project."

"Nice one! We're lucky talaga ni Liden na makagroupmates ka. We're sure na tayo ang pinakamataas coz kagrupo namin ang 1st honor WHAHAHA"

"Aishh, whatever!" Pagmamataray ko

'Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon