Marianne's POV
Makikinabang ka nang malaki kung pipiliin mong magpatawad. Ito ma’y ang pagpapatawad sa iba, o pagpapatawad sa iyong sarili. Ang pagpapatawad ang siyang magpapalaya saatin mula sa nakaraan at tutulong saatin makamit ang ating buong potensyal. Ang pagpapatawad ang tutulong saatin na lumaya sa mga limitadong paniniwala at pag-uugali. Papalayain nito ang ating kaisipan at emosyonal na enerhiya upang magamit natin ito sa mas mainam na paraan tulad ng paglikha ng mas maayos na buhay.
Ang pagpapatawad ang siyang tutulong saatin na makamit ang pinaka praktikal at mga madaliang layunin. Ngayon masaya at payapa na ang puso at pag-iisip ko matapos kong sabihing napatawad ko na si Liden. Tuluyan ko ng nilimot ang mapait na nakaraan namin ng lalaking minsan ng naging espesyal saakin.
Yes, dalawang araw na ang nakaklipas matapos akong sorpresahin ni Liden. Dalawang araw na rin ang nakakalipas matapos ako muling halikan ni Liden. Imagine that, almost four years past pero sobrang sweet at romantic parin ng lalaking yun. Yawa, nakakainis. Masyado siyang pa fall. Tapos yung halik niya Jusko, hindi ko kinaya. Para akong na comatose na hindi manlang gumalaw sa paghatid niya saakin sa bahay.
Enebe, alam kong ang bongga bongga ng lalaking yun. I know na he's my prince charming na talaga. Masyadong fantastic ang buhay niya. I can't imagine na may lalaki parin palang gaya niya dito sa earth. I know na ideal man niyo siya at gayundin naman ako. Pero at the end ay nagawa parin niya akong lokohin, ang point ko is hindi muna ako ganoon magiging ka showy sa feelings ko, dahil iniisip ko rin ang nararamdaman ko para kay Marcus at syempre may pa deny deny effect, may pakipot effect ganern. Malamang babae rin naman ako no.
Hayst eto na naman ako sa pagiging madada kong impakta eh. Kaaga aga dumadaldal na naman ako. Hayst makabangon na nga at ng makakain na para makapasok narin.
Habang pababa ng hagdan ay sinalubong kaagad ako ng mahalimuyak na simoy ng hangin. Napatingin rin ako sa may dining area namin na nakita ko kaagad si ate na masayang kumakain habang nakikipagkwentuhan kay dad, mom at kay manang. Wow, sa wakas buo kaming kakain ngayon. At dahil diyaan ay kusang ngumite ang mga labi ko. Salamat, good vibes na naman this, then turns to good mood.
"Good Morning familia Baniqued!" Masaya kong bati sakanilang lahat.
"Oh andiyan ka na pala bunso. Balak sana kitang gisingin kaso nakalock yung room mo eh."
"Oh anak umupo ka na at kumain na." Tugon ni Mom.
Bago pa man ako umupo ay lumapit muna ako sa likuran na kinauupuan ni dad saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Dad I really really miss you!"
"Ow, how so sweet my precious daughter! Mas na miss kita anak!"
Eh kase naman eh. Pagkagaling nila sa trip nila back to work kaagad kaya hindi ko lagi sila naabutan sa pagkainan. Mabuti nalang ngayon at sabay sabay na ulit kaming kumakain. Aizsh!
"Bakit si Dad lang ang may yakap? Eh pati rin naman ako ay hindi mo gaanong nakakasama anak?" Pagtatampo ni Mom.
"Oo nga!" Sumbat naman ni ate
"Aishh, oh magsitayuan kayo! Grouphug!" Masaya kong sigaw
Agad naman silang nagsitayuan kasama si manang at masaya kaming nag group hug! Huhu, I miss this type of happiness!
"Alaways Happy, Baniqued Family" Masaya naming sigaw habang nakagrouphug.
"O tama na! Maupo na tayo at kumain na! Sumasakit na ang tuhod ko eh" ani ni Dad.
Sabay sabay naman kaming nagtawanan tsaka agad kaming umupo para kumain. Nagkwentuhan lang kami about sa mga nangyayari sa buhay namin. Kwinento ko narin sakanila yung about kay Marcus at Liden. Basta lahat lahat. And after a few minutes ay natapos rin kaming kumain lahat at dahil may pasok pa ako ay ako na ang unang umalis.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Teen FictionAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...