Liden's POV
"Ahm thank you po tita! Thank you Marianne!"
"Ok Liden, ingat ka sa pagdridrive."
"Thank too tita! Thank you for the food. It was so delicious. See yah on Monday Marianne!"
"You're welcome Marcus! Bisita ulit kayo rito hah. Goodbye! Ingat!"
Agad na pumasok si Tita Avery sa loob ng bahay nila kase busy siya. Naiwan naman kami ngayong tatlo rito nila Marianne at Marcus dito sa labas.
"Ahm Marianne and Liden, I need to go na. Mahirap ang sasakyan ngayon eh."
"Ahm no Marcus, ihahatid na kita. Kunin ko lang yung kotse ko sa loob."
"No Marianne, huwag ka ng mag-alala for me."
"Pero Marcus!"
Kaumay! Para silang mga bata. Oo, naiinggit ako kay Marcus kase sobrang maaalalahanin sakanya ni Marianne. May pahatid hatid pang nalalaman si Marianne eh kababae niyang tao, samantalang ako rito is parang bula na hindi niya makita. Ni hindi manlang niya ako sabihan ng magdrive ako ng maingat. Aishhh!
"Huwag ka ng mag-abala Marianne. You need to rest, madami tayong ginawa kanina. Ako ng bahalang maghatid kay Marcus!"
Oo, magkukusang loob na ako na maghatid sa Marcus na ito. Eh ayaw ko silang magsama ni Marianne eh. And then gusto ko rin siyang makilala. Yes, I want to know about him not because of para makahanap ako ng butas para hindi siya magustuhanan ni Marianne kundi para malaman ko kung pwede ko siyang maging kaybigan. Wala akong kaybigan sa campus eh at ramdam ko na siya yung unang magiging kaybigan ko kahit na amoy kong magiging kaagaw ko siya kay Marianne.
"Are you sure Liden?"
"Oo, ako ng bahala kay Marcus!"
"Okay, mag-ingat kayo hah!"
"O, tara! Sakay na Marcus."
Agad namang sumakay si Marcus sa kotse ko. Susunod narin naman ako. Nang umaandar na ang kotse paalis sa bahay nila Marianne ay patuloy siyang kumakaway na senyas ng pagpapaalam. Damn her, bakit ba napakamaaalalahanin ng babaeng yan. Aisshh.
Nang tuluyan na kaming makalayo sa bahay nila Marianne ay gaya ng inaasahan, nagsamila na ang katahimikan sa loob ng kotse ko. Yung katahimikang nakakailang. Eh hindi ako matopic na tao eh. Ano naman sanang sasabihin ko kay Marcus? At saka we're not close pa naman. Kaya ang tanging ginawa ko nalang is nagpamusic. Tamang tama maganda yung music na nakaplay.
Nang nasa bandang chorus na ito ay binabalak kong sabayan ito ngunit nahihiya ako kay Madcus kaya hinayaan ko nalang. Pero bigla nalang akong nagulat ng siya mismo ang sumabay sa pag-awit.
Awittt! Ang swabe rin pala ng boses ng americanong to. Kaya dahil sinimulan niya ng sinabayan ay nawala na ang hiya ko at maging ako ay napakanta narin. Nagkantahan lang kami sa loob ng kotse habang binagbagtas ang daan papuntang Q.C. na tirahan nila Marcus.
Maya maya pa, napahinto na kami sa pagkakanta ng natapos narin ang music. And I want to take this oppourtunity to talk with him na. Kaya naglakas loob akong nagsalita at kinausap siya.
"Hey Marcus! Dude your voice is so cool!"
"Hindi kaya dude, ikaw nga ang may cool na boses saating dalawa. "
"Masyado kang pa-humble dude. Pero akalain mo yon, pareho pala tayong may hilig sa music."
"Yah, I love music! Kase ito lang naman yung bagay na nakakapagpasaya, nakakapagpabuhay at nakakasabay sa mood mo!"
"Tama ka diyaan dude!"
Sa hindi malaman na rason ay bigla kong itinapat sakanya yung isa kong kamay para makipag-apir. Gumaan naman ang loob ko ng nakipag-apir siya aaakin. Awit, siya na nga siguro ang unang magiging kaybigan kong lalaki sa campus.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Genç KurguAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...